Chapter 21

364 9 0
                                    

PLANADONG-PLANADO ang date. Pagdating ko sa dorm matapos ang klase ay may nakaabang na dalawang babaeng mag-aayos sa akin. Hinayaan ko silang ayusan ako, pero hindi sa damit na isusuot ko. Nang makita ang damit na dala nila sa akin ay nakaramdam ako ng inis. Partida parang kay mahal ng tela at wala ng stock dahil sa kaseksihan nito. Parang hindi naman sa isang date ang punta ko kundi bar. Mabuti nga handa ako.

"Hindi ko 'yan isusuot," seryoso kong sabi sa dalawang nag-aayos sa akin.

"Ma'am ito po ang gustong ipasuot ng Lolo niyo." Hawak niya ang damit na kulay pula na sa tantiya ko ay kalahati lang ng hita ko ang matatakpan, at tube lang ito. Alam kong kakabog at lilitaw ang ganda ko kapag isusuot ko 'yan kahit yata aso mapapatigil sa oras na ako ay dadaan pero hindi ako ganyan ka babang tao na ipakita ko na lang basta-basta ang kaluluwa ko. Bitch lang ako hindi prostitute, every inch of my body is precious and gorgeous. Hindi pwedeng irampa at hayaan ang taong tumingin sa katawan ko.

"Siya ba ang may date? Ako ang pipili ng isusuot ko."

"Pero Ma'am kami ang mapapagalitan."

Malamig na tingin ang pinukol ko sa kanila at unti-unti akong lumapit sa kanilang kinatatayuan.

"Really? Mas takot kayo sa Lolo ko kaysa sa akin? Hindi niyo yata alam na ngiti ko pa lang parang anak na ng demonyo. Give me the dress."

Nanginginig na binigay ng babae ang hawak na damit.

"Oh!" Napailing ako nang makita ang brand ng dress, may price pa nga na nakasabit. "Sinayang lang ni Lolo ang pera niya para bilhin ang damit na 'to."

Walang atubiling pinunit ko ang damit na parang isang papel, pinagpira-piraso ko ito sa harapan ng dalawang babae. Gulat na gulat sila habang nakatitig sa akin. Sa nipis ba naman ng damit hindi man lang ako pinagpawisan.

"Done!"

"Ma'am." Takot at pag-aalala ang makikita sa dalawang babae habang nakatitig sa mga pirasong tela na nasa sahig.

"Huwag kayong mag-alala, marami akong dress sa cabinet. A perfect dress for a date. Parang panglamay lang ang punta ko," sabi ko at ngumiti ng malademonyo.

Lumapit ako sa cabinet at binuksan ito ng malaki. Narinig ko ang mahina nilang pagsinghap pagkakita ng mga damit sa loob. If Lolo wants to play with me, then I will give him a worst game he never imagined.

Nag-aalalang nakatitig sa akin ang dalawang babae dahil sa ayos ko. Nakasuot kasi ako ng black dress na long sleeve, hanggang leeg ang collar, at lagpas sa tuhod ang haba.

"Diba panglamay lang," sabay tawa ko. "Magdala kaya ako ng puting rosas?" Pareho silang napangiwi sa aking sinabi at nagkatitigan. Hinugot ko ang cellphone at tinawagan si Butler Hane.

"Hello, Butler Hane."

"Yes, Lady Angela?"

"Dumaan ka sa isang flower shop, bumili ka ng isang pirasong white rose."

"Okay po."

Humarap ako sa malaking salamin. I look classic at the same time elegant. "Perfect! Ang white rose na lang ang kulang."

Saktong 5pm dumating si Butler Hane, paglabas ko sa dorm nakaabang na ang tatlong ugok sa exit. Bakas ang gulat sa kanilang mukha dahil sa ayos ko.

"Ate, bakit ganyan ang suot mo? Hindi naman libing ang pupuntahan mo kundi date," sabi ni Michael habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. All black talaga ang suot ko, walang makikitang ibang kulay.

"Gusto ko ng ganito, kaysa naman sa piniling damit ni Lolo na parang nagtitipid sa tela ang gumawa." Nagpaganda ako sa harapan nila. "Maganda pa rin naman ako diba?"

A Girl Named AngelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon