Chapter 22

345 11 0
                                    

PAGDATING ng pagkain ay isa-isa itong nilapag ng waiter. Napansin ko ang tingin nito sa akin at napatulala saglit. Pasimple kong hinawi ang aking buhok at patay malisyang nagpaganda sa harapan nito. Muntik na nga niyang mabitawan ang wine. Gusto kong malaman kung totoong napakapossessive raw ni Mr. Polenio base sa source ko.

Hindi nakatakas sa mata ni Mr. Polenio ang tingin ng waiter sa akin. "Bakit mo tinititigan ang fiancé ko?"

"Sorry, Sir." Napayuko sa hiya ang waiter.

"Umalis ka sa harapan namin. Humanda ka sa akin mamaya, kakausapin ko ang Manager mo."

Napangiwi ako dahil sa ginawa ko sa waiter, nadamay pa tuloy ito. Possessive na wala sa lugar, isang malaking ekis.

"I'm sorry about that Angela. Ayaw kong na may tumitingin sa'yo na ibang lalake." Muli na naman niyang inabot ang kamay ko at hinalikan ito. Maliligo talaga ng alcohol ang kamay ko pag-uwi.

"It's okay, ang possessive mo pala."

Nagsimula na kaming kumain at parang commercial lang ang bawat subong ginagawa ko, kaya mas lalong nabighani si Mr. Polenio sa akin. Nakita ko pa nga ang ilang butil ng pawis sa kaniyang noo at hindi ko na mabilang ang kaniyang mga lunok habang nakatingin sa akin.

"Ang sarap ng food nila."

"Yeah."

Maarte kong pinunasan ang mapula kong labi, napunta naman dito ang tingin ng walangya. Pasimple kong hinawakan ang cellphone ko at pinindot ang isang button.

Muling nabaling ang tingin ko kay Mr. Polenio nang marining ang tanong niya. "May gagawin ka pa ba pagkatapos nito?"

Ano kaya ang binabalak niya? Palihim akong napangisi, akala niya yata magagaya ako sa ilang babaeng nabiktima niya.

"Hmm, wala na. Bakit?"

"Gusto mo bang mag check-in tayo pagkatapos nating kumain? Kaya kong bayaran ang kwarto nila, kahit VIP pa ang gusto mo." Naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking hita sa ilalim ng mesa. Bigla akong kinilabutan dahil sa ginawa niya. Napakuyom ako ng kamay at pasimpleng inalis ang kaniyang kamay. Walangya talaga ng lalakeng 'to, ito yata ang ginagawa niya sa lahat ng kaniyang babae.

"Pwede na ba natin 'yan gawin? Dapat after wedding na."

"Nasa 21st century na tayo, at diyan naman ang bagsak nating dalawa."

"Baka magalit si Lolo."

Nakakasuka ang sinasabi niya, kung hindi lang ako nagpapanggap malamang kanina pa ako naduwal sa harapan niya. Ang kapal din ng mukhang yayain ako, kahit first date pa lang namin.

"Ako ang bahala sa kaniya."

"Huwag, hindi pa ako ready." Hinawakan niya ang pisngi ko. My beautiful face!

"Don't be scared, I'll be gentle."

Gentle ang pagmumukha mo!

"Ayaw ko talaga."

"Angela." Nakaramdam ako ng takot sa tono ng kaniyang boses pero nangibabaw ang matulis na bagay na nakadampi sa aking hita. Naglabas na siya ng kutsilyo. "No buts, after this magchecheck-in tayo."

Napakagat labi ako at parang ang hirap ng ilunok ng pagkain na ningunguya ko. Hindi ko ibibigay sa walangyang 'to ang virginity ko. Kahit ibigay niya pa lahat ng ari-arian niya, pero kung tree house ni Aries, pag-iisipan ko pa.

Pagkatapos naming kumain ay hindi maalis ang ngiti niya sa labi. Nag-iwan siya ng pera sa table bilang tip bago kami naglakad papalabas ng restaurant. Hawak pa nga niya ang white rose na bigay ko.

A Girl Named AngelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon