Chapter 5

640 24 0
                                    

DINALHAN ko ng pagkain si Michael bago pumasok sa first subject. Pinagtitinginan na naman ako sa mga taong nadadaanan ko, ang hirap talagang pinanganak na maganda. Pagsapit ng lunchbreak, sinalubong ako ni Jack, ngunit napakunot ang noo ko dahil may kasama siya, at walang iba kundi si Piso Guy.

"Bakit may kasama ka?" tanong ko.

"Hindi ka lalake, kailanganin natin ng resbak."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Resbak? Kaya ko nga sila kahit wala ka."

Sumimangot lang siya at ipinakilala si Piso Guy. "Malamang kilala mo na si Aries Alexander."

Nakangiting naglahad ng kamay si Aries ngunit hindi ko tinaggap. Ayaw kong aksayahin ang oras sa taong alam ko naman na hindi ko makikita ulit. Pamilyar ang surname niya, pero wala rin naman akong pake.

Napailing ang pinsan ko at humingi ng pasensiya.

Pagdating namin sa cafeteria ay tumahimik ang lahat sa pagpasok namin. Hinanap ko ang grupo ng Boxer, target searching. Dumako ang tingin ko sa pinakadulo malapit sa bintana, target found.

Lalapit na sana ako nang pigilan ako ni Jack. "Sigurado ka na ba?"

"Bakit naduduwag ka? Tingnan mong muli ang mukha ng kapatid ko para matauhan ka." Walang emosyon kong tinabig ang kamay niya at nilapitan ang grupo ng mga Boxer kasama ang dalawang Sassy Girls.

"Angela, bakit ang cafeteria ang palagi mong arena kapag may away ka?" tanong niya..

"Gusto ko lang, may angal?"

"Wala naman," sabay kamot sa kaniyang ulo.

Gulat na gulat ang mukha ng Boxing Club nang nakita ako. Walang manners na ipinatong ko ang isa kong paa sa mesa nila, at pinunasan ang sapatos gamit ang hinablot kong panyo kay Candy.

"Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga taong hindi marunong lumaban ng harapan." Pagkatapos kong punasan ang sapatos ay lumapit ako kay Candy, at pinunasan siya sa mukha gamit ang panyo. "Isa akong Vergara at wala akong sinasanto. Alam mo na," bulong ko sa kaniya na may demonyong ngisi.

"Ang sama-sama mo!" Tumayo siya at masama akong pinukulan ng tingin.

"Hoy, wala kang karapatang sigawan ang taong mas maganda pa sa'yo."

"Hindi ka ba nakakaramdam ng hiya! Ang rami mo ng ginawang kaguluhan dito!"

Napahawak ako sa tenga sa ingay ni Candy, ang lapit-lapit lang namin sa isa't-isa pero kung makasigaw.

"Dapa-"

Binusalan ko ang kaniyang bibig gamit ang panyo para tumahimik. Puro dada, takot naman kapag kaharap ako, kaya tumatapang sa oras na wala ako sa paligid at nandadamay ng ibang tao. "Ang ingay mo, kaya binusalan na kita ng panyo. Puro ka naman salita, wala sa gawa. Hindi ka man lang natakot sa akin. Anong gusto mong gawin ko sa'yo?" sabay ngiti sa kaniya.

"Hoy, tinatakot mo ang girlfriend ko!"

May biglang humila sa akin palayo kay Candy at sinalubong ako ng suntok pero agad akong nakaiwas. Pagtingin ko sa mukha ay agad akong natawa ng malakas.

"Boyfriend mo 'to?" sabay turo ko sa lalakeng umangal kanina. Teka, na stress ako bigla sa mukha ng boyfriend niya.

Maganda si Candy pero wala lang siya sa kalingkingan ko. Seryoso talaga, hindi ko akalain na pumapatol siya, alam niyo na parang unggoy.

"Bakit may angal ka?" tanong ng lalake.

Muli akong tumawa habang nakatitig sa kanilang dalawa, walang ka taste-taste sa lalake pala itong si Candy. Hindi sila bagay, pero pag-ibig nga naman nakakabulag daw minsan.

A Girl Named AngelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon