MAAGA kaming umalis para magtungo sa bahay ng mga matandang inabandona ng kanilang pamilya. Sa unang punta ko rito ay hindi maganda ang building at maraming sira. Kahit ang mga pangunahing pangangailangan ay kulang na kulang. At dahil sa parusa ko kinakailangan ko itong ayusin at pagandahin. Inalis ko rin sa pwesto ang Head ng Home of the Aged dahil ginagamit niya ang funds sa pansarili niyang kaligayahan.
Naging maingay ang buong building sa kukulitan ng mga kasama ko. Kahit anong trip ang ginawa namin para mapasaya ang mga matatanda. Mas naging bibo sila kaysa noong kami lang ng mga butler ko at maids ang dumadalaw.
"Angela apo." Napalingon ako sa tumawag sa akin at ngumiti ng malawak nang nakilala ito.
"Lola Grasya!" Naglakad ako palapit sa kaniya at agad siyang niyakap.
"Mas masaya ang mukha mo ngayon kaysa noong una mong punta rito."
Umupo ako sa gilid niya. "Palagi naman po akong masaya kapag dumadalaw ako."
"Iba ngayon, Angela." Hinawakan niya ang kanan kong kamay at hinaplos. "Hindi mo man sinasabi pero alam kong may malaki kang pinagdadaanan. Ngunit nang makita kita kanina pagbaba mo sa sasakyan iba ang nakita ko, napakasaya mo."
"But my life is very complicated, Lola Grasya. The happiness I feel today will be fade away."
"Hinihiling ko na sana makita mo ang daan na nakalaan para sa'yo dahil karapatan mong sumaya."
Walang kaubusan ng energy ang mga kasama ko dahil sa huling lugar na pinuntahan namin ay puno pa rin sila ng kwela. Nasa bahay ampunan kami ngayon, marami ang mga batang nakatira rito at bawat linggo nadadagdagan ang bilang nila. May proyektong ginagawa ngayon, isang panibagong building at playground sa mga bata. Sa unang punta ko rito ay parang horror house dahil napakatahimik at lahat ng mga bata parang takot na takot. May ilan sa kanila ang may galos at sakit dahil sa pagkakabugbog. Dahil sa nasaksihan ko pinakulong ko ang mga nag-aalaga at ang Head ng orphanage. Umamin kasi ang mga bata sa pinagagawa ng mga ito sa kanila kaya hindi na ako nagdalawang-isip. Malaki ang pinagbago ng orphanage mas maingay na ito at mas inaalagaan na sila ng mga bagong staffs at Head. Nagpalagay rin ako ng doctor at nurse para matutukan ang kalusugan nila.
Nasa malaking hall kaming lahat at nakipaglaro at nakisaya sa mga bata. May ginawang program ang fanclub ko kaya mas lalong naging maingay. At ang pinakahighlight sa lahat ay ang mga clown. Ginawa naming clown sina Jack at Aries, hindi na sila nakaangal pa dahil nakahanda na ang isusuot nilang dalawa at lahat ng bata nakaabang sa kanila.
Habang nagma-magic tricks ang dalawa sa mini stage kami naman ay nakaupo sa monoblock.
"Miss Angela."
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Kunot noo akong nakatingin sa aking bodyguard na may hawak ng cellphone. Pinakita niya ang screen, at nakita ang registered name sa taong tumatawag.
Si Lolo.
Lumapit ako at hinablot ang cellphone. Mabilis akong tumakbo sa labas bago sinagot ang tawag. He's back, and I'm worried this time.
"What do you want?"
Ang huli naming pagkikita ay bago ako umalis papuntang Switzerland, mag-iilang buwan na ang nakakalipas at ngayon lang siya muling nagparamdam.
"Wala bang bati riyan?"
Nangiwi ako sa kaniyang sinabi at umirap. "Hindi ka tatawag kung hindi importante. What do you want old man?"
"I need you to meet him."
"Who?"
"The man, I want you to marry."
BINABASA MO ANG
A Girl Named Angela
Teen FictionPrevious Title: A Bitch Named Angela Lincolnshire Series 1 Gaano man ka anghel ang pangalan ni Angela Vergara kabaliktaran naman ito sa ugali niya. She's the Famous Bitch of Lincolnshire University and with her evil smile makes everyone scared of h...