Chapter 20

376 12 0
                                    

PINATULOG ko si Angelina sa kwarto ni Aries. Naramdaman na niya ang pagod sa kakulitan at bagsak agad pagkarating namin sa penthouse. At dahil wala akong magawa, ginawa ko ang assignments para mamayang gabi ay maghahasik ako ng lagim. Hindi pala, gagawin ko ang isa kong parusa, 4pm pa lang naman. Nautusan ko naman si Butler Hane na ihanda na niya lahat ng kailangan ko.

Sakto ang pagdating ni Aries.

"Mabuti naman at nandito ka na dahil may pupuntahan pa ako." Sinabit ko ang bag sa balikat.

"Agad-agad? Nasaan si Angel?"

"May gagawin pa ako. Nasa kwarto mo siya, natutulog."

"Ano ang gagawin mo?"

"Basta."

Naglakad na ako palabas pero hinagip niya ang kamay ko.

"Ano nga?" May halong pagkairita ang kaniyang boses na ikinataka ko.

Malalim akong bumuntonghininga. "Punishment ko okay, partida limang punishments ang meron ako kaya huwag mo akong guluhin, busy ang bitch ngayon, bye!"

Tumakbo na ako palabas at baka pigilan naman ako. Naghihintay na si Butler Hane sa akin at ang mga katulong kong kasama.

NANG nakauwi sa dorm matapos ang punishment ay diretso na akong humiga sa kama. Nakakapagod wala talagang awa ang Dean, sa akin ba naman pinagawa lahat ng 'yon. Partida ako lang mag-isa. Mabuti nga naisasama ko sina Butler Hane at ang ilang maids sa bahay. Sa susunod hahanap ako ng ilang tutulong, hindi ko ito kayang mag-isa. Magiging matanda at papangit ang bitch kapag palaging pagod at stress.

Isang tunog mula sa cellphone ko ang nakapagising sa aking diwa, pagbasa ko sa text ay hindi ko napigilang naitapon sa kabilang direksyon ang cellphone ko.

From: Lolong Hukluban

"Nakalimutan kong sabihin na nagbago na ang isip ko,bukas mo na makikilala ang napili kong lalake para sa'yo. May date kayo bukas, dapat kang sumipot. Maghanda ka, susunduin ka ni Butler Hane exactly 5pm."

"Aish!"

WALANG emosyon akong naglakad sa corridor, umagang-umaga wala na ako sa mood. Ang sarap manuntok at pumatay ng matanda. Napansin naman ng lahat ng estudyante na wala ako sa mood, at sila na mismo ang umiwas. Kilalang-kilala na talaga nila ako at alam nila kung kailan lulugar, kahit ang Sassy Girls. Takot lang silang maulit ang minsan nilang paglapit sa akin tuwing ganito ang awra ko.

Imbes na pumasok sa klase ay lumiko ako at naglakad patungong sports building. Kailan kong mailabas ang galit mula pa kagabi. Nagpalit ako ng PE uniform, nag stretching ako saglit sa gilid ng oval bago nagsimulang tumakbo na walang tigil.

Habang tumatakbo ay naglalaro sa aking isipan kung ano ang gagawin para hindi matuloy ang binabalak ni Lolo. Ayaw kong matalo laban sa kaniya at ayaw kong siya naman ang kokontrol sa buhay ko. Ako ang may hawak ng buhay ko at hindi siya kaya wala siyang karapatan para diktahan ako.

Mas lalo kong binilisan ang takbo at hindi alintana ang ilang estudyanteng dumadaan at nagtatakang nakatanaw sa akin.

"Aish! Walangya!" Malakas akong sigaw habang tumatakbo. Sa ganitong paraan nawawala ng kaunti ang galit ko.

Lagot lang talaga si Lolo, baka umatake ang pagkatopak ko at maisipang katayin ang sosyalin niyang manok. Sapat na ang labing-walong taon na hawak niya ang buhay ko, at ngayong pinalaya niya ako hindi ako tanga para bumalik sa kaniya. Ilang beses ba ako dapat magmakaawa sa kaniya para hayaan ako? Ilang beses pa ba akong luluhod? Kasi tao rin ako, napupuno, napapagod din magpanggap at lumaban.

Kung pwede lang magkaamnesia magdadasal talaga ako kahit ilang beses pa 'yan makalimutan ko lang ang nakaraan ko. May isang beses na plinano kong magpagasagasa ng truck pero nahuli ako ni Butler Hane, muntik na siyang mamatay dahil sa akin kaya hindi ko na inulit pa. Dinagdagan pa ni Lolo na mula pa yata sa sinapupunan planado na lahat kung ano ang gagawin sa buhay ko. Hindi ko makakalimutang minsan na niya akong trinatong parang puppet pero sisiguraduhin kong hindi na 'yon mangyayari ulit.

A Girl Named AngelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon