PAPIKIT-PIKIT pa ako sa harapan ni si Lucy, napansin ko agad ang ayos niya na parang may mahalagang pupuntahan. Mabuti nga pagkatok niya ay gising na ako kung hindi nakalublob na ang ulo niya sa anidoro. Wala akong sinasanto kahit kapatid pa siya ni Aries. Pagdadating ko lang galing sa importante kong lakad at umidlip ako saglit. Mabuti nga maaga kaming natapos ni Butler Hane at alas-dose pa lang ng tanghali ay natapos na ang lahat.
"What?"
"We need a dress! Kaya sabay tayong bibili."
"Hindi na, may damit na ako. Kapagod bumili pa."
Hinayaan ko siyang pumasok at walang gana akong umupo sa sofa. Kinuha ko ang remote at pinalakas ang volume ng pinapanood kong movie.
"Angela!" Bigla siyang humarang sa harapan ko habang nakapamewang.
Tinaasan ko siya ng kilay, nakalimutan niya yatang b*tch ang kaharap niya.
"Alis," malamig kong saad.
Sumimangot siya at padabog na lumabas, binagsak pa ang pagsara ng pinto. Akala ko tatahimik na ang umaga dahil sumuko na siya, pero akala ko lang pala. Nakalimutan kong may dalawa pa siyang kasangga. Bumalik siya kasa si Mom at si Tita. Hindi maipinta ang kanilang mukha at walang habas akong kinaladkad.
Dahil wala talaga akong gana, hinayaan ko silang pumili ng isusuot ko at halos mag-away na. May voting na nangyayari, at ilang beses akong naglabas-masok sa fitting room hanggang kinuha ko ang bloody dress na nakadisplay at isiniliid sa paper bag.
"Angela!"
"Done! Alis na tayo." Una akong lumabas at hindi sila nilingon.
SA mansion ng Alexander kami inayusan, at handang-handa talaga sila dahil sa pagdating namin may nakaabang na mga babae at sa gitna ay isang bakla.
Nakatulog ako habang inaayusan, at mabuti naman at hindi nila ako ginugulo. Ginising lang ako nang matapos na ang lahat. Walang bakas na gulat nang makita ko sa ang sarili sa salamin. As usual, I'm always beautiful from head to toe. Nabaling ang tingin ko kay Lucy na kanina pa ako tinititigan at ang laki ng kaniyang ngiti.
"Ang ganda mo."
I smirk. "Of course."
Tumayo ako at ibinigay niya sa akin ang dress na binili namin kanina. Pumasok ako sa walk-in closet ni Lucy at nagbihis pero hindi ko maabot ang zipper na nasa likuran.
"Lucy!"
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at lumingon. Bakas sa kaniyang mukha ang gulat habang nakatingin sa likod ko.
"Angela."
"Tsk, isara mo na lang." Tumalikod ako at hinayaan siyang lumapit at isinara ang zipper.
"Iyan na ang pinakamalaking peklat na nakita ko. Saan mo 'yan nakuha?"
Napayuko ako at mapait na ngumiti. "This scar is still bleeding and painful Lucy. I can't tell you."
Humarap ako at nakita ang pangingilid ng kaniyang luha at niyakap ako bigla. "I'm sorry."
Tsk.
Hindi ko naman tinatago pero ayaw ko lang pag-usapan ang tungkol sa malaki kong peklat sa likod. Ang sakit ng pinagmulan nito na hanggang ngayon kahit peklat na lang para pa ring dumudugo at masakit. Bata pa lang ako nang nakuha ko ito, at muntik ko ng ikamatay. Gusto ko itong lagyan ng tattoo para naman matakpan at makasuot ako ng bikini pero ayaw pumayag ni Butler Hane. Sa laki naman kasi, at nakaslant pa mula sa kaliwa kong likod pababa sa balakang ko.
Sabay kaming lumabas ni Lucy at sinalubong nina Mom at Tita na may malawak na ngiti.
"So beautiful!"
"Malamang mapapatigil ang mga boys kapag makita kayo."
BINABASA MO ANG
A Girl Named Angela
Teen FictionPrevious Title: A Bitch Named Angela Lincolnshire Series 1 Gaano man ka anghel ang pangalan ni Angela Vergara kabaliktaran naman ito sa ugali niya. She's the Famous Bitch of Lincolnshire University and with her evil smile makes everyone scared of h...