Chapter 50

344 15 2
                                    

SA mga sumunod na araw ay hindi na ako nagtangkang pumunta ng resort kahit kinukulit na ako ni Daisy at Papa. Bawat araw kasi nadadagdagan ang mga imbitado sa darating na kasal. Si Bea raw ay halos nabaliw, at kailangan nila ng tulong ko. Alam ko namang nag-iinarte lang sila, si Papa pa lang alam ko na ang kadramahan niya.

Sa kalagitnaan ng pagtratrabaho ko ay napatawag siya.

"Ano na naman?"

"Pumunta ka rito, anak. I need you." Malamig ang boses niya at kapag ganyan siya hindi siya nagbibiro.

Agad kong hinablot ang leather jacket at ginamit ang bigbike niya patungong resort. Sinalubong naman ako agad ni Daisy.

"Seryoso ba ang problema?"

"Opo, Miss. Hindi pa rin kasi dumadating ang ilang gamit na kailangan para sa hall at ilang materyales."

"Kailan ba kailangan ang mga 'yan?"

"Ngayon po." Napatigil ako sa sinabi niya, lagot na.

"Nakontak mo ba ang courier?"

"Opo, stranded sila ngayon sa daungan sa siyudad. Marami tao ngayon dahil summer. Walang bakanteng bangka, kung meron man matatagalan pa kasi paunahan."

"Ilang kahon ba ang dala nila?"

"Walo po."

Mabilis akong naglakad patungo sa opisina ni Papa. Nadatnan ko siyang parang walang problemang nakaupo sa kaniyang swiveling chair.

"Can I use the speed boat? Kukunin ko sa courier ang mga boxes."

"Delikado."

"Papa!"

"May inutusan na ako para gawin 'yan," sabi niya at ngumiti sa akin.

Bumagsak ang balikat ko at hindi makapaniwala. Walangya, kumagat ako sa drama niya. "Bakit pinapunta mo pa ako, kung okay na pala? Pinaglalaruan mo ako!" Lumingon ako kay Daisy na ngumiti lang ng malawak.

"Namiss lang kita," diretsong sagot ni Papa at nilapitan ako para yakapin.

"Papa naman eh, pinaglalaruan mo ako!" Narinig ko ang mapaglaro niyang tawa.

Mula nang bumalik siya mula sa business trip, napapansin ko ang kakaiba niyang ngiti na para bang parating may balak. Ang ngiti niya lang ang nakakairita sa paningin ko. Aminado naman akong namana ko sa kaniya ang malademonyo ngiti. At mula nang makita ko ang ngiti niya, napagtanto ko nakakatakot nga talaga akong ngumiti.

"Nakakulong ka lang kasi sa bahay. Wala ka namang dapat ikatakot. Nagmaang-maangan ka pa, alam kong matagal mo ng pinaghandaan ang pagkikita niyong lima. Pinangungunahan ka lang ng takot mong hindi ka nila muling tanggapin."

Sapul na sapul, walangya.

"Magtungo ka nga sa resto, tingnan mo kung naghahanda na sila sa pagkain para sa dinner mamaya."

Lumapit ako sa telepono ngunit pinigilan niya ako. "Sinabi kong pumunta ka roon, hindi tawagan."

Napangiwi ako. "Pwede namang tawagan, hindi pa ako mapapagod."

"Heaven." Napasimangot ako nang marinig ang babala niyang boses.

"Aish, parang gusto mo talagang makita nila ako."

Ngumisi siya ng malademonyo. Kinakarma na yata ako sa pagngiti ng ganyan noon, may katapat na ako. At ngayon alam ko na kung ano ang pakiramdam pagbinibigyan ng ganyang klaseng ngiti.

Wala akong disguise na suot, nagmamadali kasi ako kanina. Kahit cap o sunglasses lang, wala akong dala. "Humanda ka Papa, hindi ako magpapaapi sa'yo."

Maingat akong pumasok ng resto gamit ang likod na pinto. Ayaw ko namang mahuli sa akto. Sinalubong ako ng mabangong amoy ng luto ni Chef Sam kasama ang mga assistant niya. Abalang-abala sila at hindi napansin ang pagdating ko. Lumapit ako kay Chef na abala sa pagtikim ng kaniyang niluluto. Siya ang nagturo sa akin magluto at tiniis lahat ng kamalditahan ko at mga sunog na luto. Dalawang taon lang ang tanda niya sa akin, at para na ng Kuya ang turing ko sa kaniya.

A Girl Named AngelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon