MASAMANG tingin ang pinukol ko kay Aries, pero ang gunggong ang lakas ng tawa. Walang epekto ang ilang palo ng unan kaya sinipa ko siya. Mabilis naman ang reflexes niya at napigilan agad gamit ang kaniyang kamay.
"Seryoso, gusto kitang tawaging Heaven. Maaaring bumait ka kahit konti."
"Asa." Inborn na ang pagiging bitch ko.
"Basta tatawagin kitang Heaven sa ayaw at sa gusto mo."
"Edi tawagin kitang Earth," sabay ngiti sa kaniya.
"Level up na this, my endearment na tayo!"
May ngiti siyang aso na ikinangiwi ko, hybrid talaga siya.
"Kapal, isa ka kasing hampaslupa."
"Isang gwapong hampaslupa."
Napailing ako dahil hindi man lang siya nasaktan sa sinabi ko.
"Ano nga pala ang dahilan kung bakit ka ganyan ngayon? Sa pagkakaalam ko ngayon ang family gathering niyo."
Pinaalala niya pa ang nangyari. "Basta."
"Alam mo magandang sabihin sa iba ang problema kaysa sarili mo lang."
"Hindi tayo close para sabihin ko sa'yo."
"Sabi nila maganda na sabihin ang problema sa taong hindi malapit sa'yo, kasi hindi ka nila kilala at hindi ka nila huhusgahan agad."
Inismaran ko lang siya at binaling ang tingin sa labas. Ang raming alam. Walangya, bakit ba ako nagiging ganito kapag nandiyan si Aries. Lahat ng ugali ko naipapakita ko sa kaniya.
"Family problem lang," maikli kong sagot.
Ang lawak na ngiti niya nang makita ko ang repleksyon niya sa glass window.
"Huwag kang ngumiti naalibadbaran ako!" Mahina ko siyang sinampal sa pisngi.
"Minsan gumugulo sa isip ko bakit naging bitch ka? But someone told me that a bitch was once a sweet girl but got tired of everyone b*llsh*t. Is that true?"
Binatukan ko si Aries dahil sinabi niya. Mula pagkabata ganito na ako, in born na talaga. Asa naman siyang minsan na akong naging mabait sa iba.
Matapos ang pagsikat ng araw ay umuwi na kami, binigyan pa niya ako ng spare key sa tree house. Tinaggap ko naman, aba hindi marunong humindi ang bitch kapag grasya na ang lumalapit. Sosyal kasi ang tree house nakakainggit. Magpapatayo ako ng gano'n sa mansyon kapag wala na si Lolo.
"Ipangako mo lang na hindi mo susunugin ang tree house, Angela."
"Oo na, hindi ko susunugin, sayang kaya. Nanakawin ko lang."
Mabilis siyang napalingon sa sinabi ko ngunit ngumiti lang ako ng malaki na ikinatulala niya. Ngumiti lang ako napatulala na. Ano na lang kapag tatawa ako? I'm a bitch, everything about me are beautiful.
Nilagpasan ko siya na nakatulala pa rin, iba talaga kapag bitch.
"Heaven, friends na tayo ha!"
Napatigil ako sa malakas niyang sigaw, nakabawi na yata sa ngiti ko. Ikinagulat ko ang salitang binitiwan niya. Friends? World record na ba na may isang taong nais akong maging kaibigan?
"Bawal humindi, may endearment na nga tayo!"
Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy sa pag-alis, crazy playboy.
NAPATAKIP ako ng unan nang marinig ang malakas na sigaw ni Diana.
"Hoy babae gumising ka na!" Mas lalong niyang nilakas ang katok sa pinto.
BINABASA MO ANG
A Girl Named Angela
Teen FictionPrevious Title: A Bitch Named Angela Lincolnshire Series 1 Gaano man ka anghel ang pangalan ni Angela Vergara kabaliktaran naman ito sa ugali niya. She's the Famous Bitch of Lincolnshire University and with her evil smile makes everyone scared of h...