Chapter 18

374 14 0
                                    

NAGTAKBUHAN ang mga pinsan ko, pero hindi na sila makalabas dahil sinara ko ang pinto. May tumalon na sa bintana at nagtago sa CR, diyan pa talaga sila nagtago. Sana lang hindi gutom ang alaga kong python na nakatira sa loob.

"Wah!"

"Ah!"

"Walangya ka Angela!"

Kaniya-kaniya silang sigawan, habang ako ay pinagbubogbog ang lumalapit sa pinto. Tumawa ako ng malademonyo, magiging masayo 'to. Pinagtulungan namin sila ng mga alaga ko at isa-isang inihulog sa bintana. Kasamang palad, alerto ang mga maids at may nakahanda ng malaking kutson sa ibaba para saluhin ang mga ito. Sinunod kong binuksan ang CR, napatawa ako nang makita ang mga pinsan kong handa-handa ng lapain ni Oreo, ang alaga kong python. Isa-isa ko silang hinila at tinapon palabas. Nang matapos ay parang dinaanan ng bagyo ang buo kong kwarto.

Pagbukas ko ng pinto ay nakaabang lahat ng matatanda.

"Anak ano ang ginawa mo?" tanong ni Mom.

"Inihulog ko sa bintana, pasalamat sila may iilan lang silang sugat. Painject niyo sila ng anti-rabies, hindi nakapagpigil ang mga alaga ko at inakalang pagkain sila." Gulat na gulat sila sa sinabi ko at nagtakbuhan sa ibaba pagkarinig ng mga hiyawan at reklamo ng mga pinsan ko.

"Butler Hane!" Sa isang iglap nasa harapan ko na si Butler, at kasama ang ilang maids.

"Alam niyo na ang gagawin." Tumango siya agad at pumasok sa kwarto para ayusin ito.

Malakas akong tumawa habang nakatanaw sa mga pinsan kong ginagamot sa ibaba. I'm such a bitch.

PAGSAPIT ng gabi ay kinausap ko sina Tito Tony at Tita Genina.

"Ano ang kailangan mo Angela?" tanong ni Tita.

"Tungkol po kay Jack." Nagkatitigan ang dalawa dahil sa sagot ko. "I want to make an offer." Kunot noo silang napalingon sa akin at halatang interesado sa sasabihin ko. "Ngayon lang bumagsak si Jack, at alam kong maagapan niya 'yon. Wala man akong karapatang makisali ang problema niyo pero pinsan ko siya. Gusto ko siyang maging masaya, at hindi ko maatim na ipagkait sa kaniya ang bagay na pinahahalagahan niya ng husto."

"So?" tanong ni Tito.

"Hayaan niyo siyang manatili sa taekwondo, at tutulungan ko siyang maipasa ang naibagsak niyang subject. Kapag papayag kayo ay ito ang magiging kapalit." Inilapag ko ang isang folder at binuksan ito sa kanilang harapan, bakas ang gulat ng kanilang mukha. Sa offer ko pa lang walang sino man ang tatanggi.

Paglabas ko sa silid ay napatigil ako nang madatnan si Jack na nakaabang sa gilid ng pinto.

"Huwag kang mag-alala, pumayag na sila."

"Ano ang ginawa mo?" kunot noo niyang tanong.

"Kinausap sila," simple kong sagot. Ayaw kong malaman niya ang inalok ko sa kaniyang magulang kapalit na hayaan siyang magpatuloy sa taekwondo.

Malalim siyang bumuntonghininga. "Kilala ko ang magulang ko Angela, hindi sila madaling mapapayag, at lalong kilala kita." Puno ng pag-aalala ang kaniyang boses.

"Aish, amin-amin na 'yon! Pasalamat ka na lang pumayag sila."

"Angela-"

Pinigilan ko siya at inakbayan. "Kumain na tayo, nakakagutom kausap ang mga magulang mo."

Hinila ko siya sa kusina, kumuha kami ng ilang pagkain at tumambay sa gilid ng pool.

"Kung ano man ang ginawa mo para mapapayag sila, salamat at sorry."

"Tsk, maliit na bagay." Diretso kong nilagok ang hawak kong lata ng soda. "Pwede bang magtanong? Bakit mo ako pinapalayo kay Aries?"

Napatigil siya at napatitig sa akin. "Basta." Umiwas siya ng tingin nang magtama ang aming mata.

A Girl Named AngelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon