MAG-IISANG oras na ang pagtakbo namin, at hindi na nagtangkang lumapit ang isa sa mga Sassy Girls. Takot lang yatang mapahiya. Sayang, hinihintay ko pa naman na si Margaret ang lumapit para masampal ko ang katotohanang sakang ang dalawa niyang paa at para siyang pato kung tumakbo.
Pabalik na kami nang nag-anunsyo na magpahinga muna. Lumapit agad sa akin si Aries at binigyan ako ng tubig. Pansin kong bawas na ito pero wala naman akong pake kung ininuman na niya, at diretso ko itong nilagok. Pagbalik ng tingin ko ay nakatulala at gulat na gulat.
"Bakit?"
"Indirect kiss, Heaven."
"Naniwala ka naman sa ganyan," sabi ko
"Hindi naman kasi dapat 'yan ang ibibigay ko. Pinahawak ko lang para mabuksan ko ang bagong mineral water na para sa'yo." Ipinakita niya ang hawak na tubig na nakabukas na.
"Nakainom na ako, at wala namang malisya."
Ang mukha ni Aries ay hindi na maipinta dahil sa sinabi ko. "Hindi, panindigan mo ako! Indirect kiss 'yon, balik-baliktarin man halik pa rin 'yon."
Walang emosyon ko siyang tinitigan. "Panindigan mo ang sarili mo, baliw."
"Heaven."
Nakasimangot siya habang nakatingin sa akin. Hindi ko siya pinansin at tumingin sa paligid. Dumapo ang mata ko sa Sassy Girls na naglalakad palapit sa pwesto ko, at bakas sa mukha ang galit na parang sasabog na.
"Angela!" Umalingawngaw ang boses ni Margaret at parang patong handang lumaban.
"Oh?" walang gana kong tanong.
"How dare you to hurt my precious girls!"
Nabaling ang tingin ko sa likuran niya, umiiyak sina Candy at Stacey.
"Tapos?"
"Gusto mo talaga ng away?" matapang niyang sambit.
"Hey, Margaret kumalma ka nga," sabat ni Aries. Nabaling ang tingin ng higad sa kaniya at naging malambot ang tingin.
"Away babae 'to Aries ayaw kong madamay ka."
Nakaramdam ako ng kilabot sa malambing niyang pagkakasabi. Muli niya akong pinukulan ng tingin at may sinenyasan mula sa aking likod.
Nagtataka ako sa kaniyang kinilos at bigla na lang may nagbuhos ng malamig na tubig sa akin. Napatigil ako at nakaramdam ng ginaw. Walangya!
"Heaven!" Agad akong nilapitan ni Aries.
"Ano? Lalaban ka pa! Kung makalait ka sa mga girls ko parang may ikakabuga ka. Lait ka ng lait hindi rin naman maganda ang katawan mo! Matagal na kaming nanggagalaiti sa'yo kahit si Aries inagaw mo!"
"Margaret, tama na!" Napaatras siya sa pagsigaw ni Aries.
Habang yakap ang sarili ko sa ginawa ay hindi ko na mapigilang tumawa ng malademonyo na ikinalingon nilang lahat sa akin. Pinukulan ko ng masamang tingin si Margaret, inabot niya sa sukdulan ang galit ko. Kay aga-aga sinira na nga nila ang araw ko tapos dinagdagan pa nila ng ala ice bucket challenge na lumang paraan na. Kahit sport bra ko sa ilalim basa na dahil dalawang balde ang binuhos ng alipores niya.
Nilingon ko ang dalawang utusan niya sa likod. Tingin ko pa lang natakot na ang mga ito at nagsitakbuhan. Pagbalik ko ng tingin kay Margaret ay bakas na ang takot sa kaniyang mukha. Unti-unti akong lumapit, at natuod siya sa kaniyang kinatatayuan.
"Ang pinakaayaw ko ay lumalaban gamit ang pambatang paraan. Seriously? Tubig?" Tumawa ako ng malakas bago siya marahas na hinila gamit ang buhok.
"Ouch! Let me go!" Pilit siyang pumipiglas pero sa liit ng katawan niya pwede ko ng kargahin.
BINABASA MO ANG
A Girl Named Angela
Teen FictionPrevious Title: A Bitch Named Angela Lincolnshire Series 1 Gaano man ka anghel ang pangalan ni Angela Vergara kabaliktaran naman ito sa ugali niya. She's the Famous Bitch of Lincolnshire University and with her evil smile makes everyone scared of h...