"Hi Ma'am. Good morning. This way, please?" salubong sa akin ng waitress nang pumasok ako sa restaurant ng hotel.
Kumunot ang noo ko at sinundan siya hanggang sa iginiya niya ako sa isang table for two na may laman nang breakfast.
"Uhm, what's this?" turo ko dito.
"Ah... M-may promo po kami. First ten customers will get a free breakfast." She smiled awkwardly.
Free breakfast? Well, not bad.
Kahit nalilito ay umupo na rin ako. Hindi ko na naman mahagilap si Klein. Maybe he's out for surfing again. Sinulyapan ko ang cellphone at ni-dial ang numero niya pero hindi niya ito sinasagot. Nagkibit balikat na lang ako at nagsimula nang kumain.
The following days went on just like the usual but not to mention the annoyance I felt with the two. Axton and Thalia. Kahit saang lugar kasi ako magpunta ay nakikita ko sila. Sometimes they join us too. Kahit iritado ay hindi ko na lang pinapansin. Ang magaling kong bestfriend lang naman ang tumatawag sa kanila kapag ganoong nagbobonding kami sa dagat.
"Axton! Ah!" sigaw ni Thalia habang pasan pasan siya ni Axton sa balikat.
We're playing games. Maglalaban ang dalawang team habang pasan-pasan ng lalaki ang babae sa balikat. Si Cia at ang kanyang fiancè ang kalaban nina Thalia ngayon.
Naghihiyawan sila at nagtatawanan pero hindi ko magawang sumabay. Imbes ay naiirita pa ako.
"Baby, would you like us to join too? It seems so cool!" masayang sambit ni Klein sa tabi ko.
Cool? Nakakairita nga e.
"Nah. I'm cool just watching from here," I lied.
"It seems fun. C'mon." Hinila niya ako sa braso.
Tinanggal ko ang kamay niya doon at umahon na sa dagat.
"Baby!" pagtawag niya pero 'di na ako lumingon.
Almost everyday, ganoon ang nangyayari. It pisses me off everytime I see them. Lalo na 'yang malanding Thalia na 'yan. Nakakarindi ang mga tawa at hagikgik niya. Parang 'di makaanak na pusa. Ang sakit sakit sa tenga.
"Axton, please? Say ahhh." She giggled and tried to put a spoon of food in his mouth.
Nagpipicnic kami ngayon sa tabi ng dagat at sa lilim ng matatayog na niyog. Gusto ko sanag punahin ang ganda ng lugar kung hindi lang agaw atensyon ang babaitang 'yon. Sumubo ako ng pagkain at sinulyapan ang dalawa na sweet na sweet na nagsusubuan.
"He has changed. He has changed my butt," bulong bulong ko.
"Hmm? May sinasabi ka, Xam?" tanong ni Eesha na katabi ko.
"Wala." Sarkastiko akong ngumiti at padarag na tinuhog ng tinidor ang karne.
Nilingon ko ang dalawa na saktong naghalikan. Nakatalikod ang babae sa akin kaya hindi ko kita ang reaksyon niya pero ang hayuk na lalaki ay nakatingin pa sa akin habang ginagawa 'yon. Tumitig ako sa pagkain at wala sa sariling sunod sunod na sumubo.
"Huy! PDA naman kayo d'yan!" Binato sila ni Heloise ng balat ng saging.
Humagikgik ang babae nang humiwalay ito. Hindi ko na ulit sila nilingon at mabilis na tinapos ang pagkain.
Sa mga sumunod na araw ay mas naging matamlay ako. I only let myself inside my room cuddling with Apollo.
"Baby? C'mon they're waiting. We'll trying Jet ski." Dumungaw si Klein mula sa labas ng pintuan ko.
Pinanatili ko ang mga mata sa hollywood movie na pinapanood ko habang hinahaplos ang ulo ni Apollo.
"Just go, Klein. I'm not in the mood."
BINABASA MO ANG
An Inconvenient Attachment
RomanceUntil when are you going to say that you've had enough? Feeling unwanted, unloved and being deprived of having a family. Xiomara Evanthia Zarate is the plutocrat Governor's illegitimate daughter. She was the fruit of a sinful affair between her fath...