It's ridiculous. Iyan ang natanto ko nang makauwi ako sa condo. I can't believe I agreed to that monkey business deal so easily. I mean, who would believe that, that ridiculous agreement is possible? Both will benefit huh? Kung may gusto man akong makuha sa deal na 'yon ay ang tigilan na ako ng tuluyan ni Brice. That's my only goal. Kapag nangyari 'yon. Everything will get back to normal.
I sighed.
Ilang beses ko pang kinumbinsi ang sarili ko na tama ang desisyon ko. Once this set up became successful, I promise to not see that Axton again. Naiirita ako sa kanya. I really don't like him. His arrogance being a superior manwhore is really really getting into my nerves.
"Guys, this is getting boring. Ayoko na. Tara kumain na lang tayo," reklamo ni Heloise.
Nasa library kami at nag aaral para sa midterm exams.
"Kaya ka bumabagsak e. Imbes na utak mo ang pakainin mo, 'yang bituka mo pa ang inalala mo," banat ni Cia.
"Guys, what if manood na lang tayo ng band practice sa music room?" Eesha suggested.
Parang nagpantig naman ang tenga ni Heloise na agad nagligpit ng gamit.
"You know what, Eesha? May utak ka din pala 'no? Good thing nasabi mo 'yan. Let's go." Lumawak ang ngiti niya at tumayo na.
Nagsitayuan na din ang iba samantalang nanatili akong nakaupo.
"Xiomara Evanthia!" nagbabantang tinig ni Heloise.
Napangiwi ako sa pagtawag niya ng buong pangalan ko.
"Kayo na lang." I just waved my hand and continued reading my notes.
"Hay! Ano ba yan?! Napakaunsupportive mo! Bestfriend ba talaga kita?" iritadong saad niya.
"Bahala ka kung ayaw mo na." Pumangalumbaba ako.
"Hay! Diyos ko naman. Bahala ka nga." Pumadyak siyang parang bata bago nagwalk out.
Sumunod na rin ang iba sa kanya kaya napailing na lang ako. If she wanted to see his crush, why does she have to drag me? Doesn't make any sense right?
Nasa kalagitnaan ako ng paglipat lipat ng pahina nang may maghila ng upuan sa tabi ko. Umayos ako ng upo at nilingon siya agad.
"What are you doing?" kunot noong tanong ko.
"Gusto lang kitang samahan. Don't worry hindi ako mangungulit."
Umirap ako at nagligpit na ng mga gamit.
"I don't have time for your shits, Brice. Can't you see that I'm studying?" Tumayo na ako matalim siyang dinungaw.
"Alright. I understand. I just wanted to be with you-"
"Brice!"
Napalingon kami sa kadarating lang na si Sam.
Oh great. Now my peaceful thought of study is now impossible.
"Sam!" Napatayo si Brice na namimilog ang mga mata.
"Why did you leave me? Sabi ko hintayin mo ako 'di ba?" Tumingin si Sam sa akin.
Inirapan ko siya at humakbang na paalis.
"Xiomara wait!" sigaw ni Brice.
"Sshh! Quiet!" dinig kong sita ng librarian.
"Sorry po. Xiomara..." mas mahinang pagtawag niya.
"Brice! Where are you going?!" boses naman ni Sam.
Nagmadali na akong lumabas ng Library at hindi na alam kung saan pupunta. Nakasunod pa rin sa akin ang dalawa na nagtatalo pa.
"Sam, will you leave me alone?!" iritadong boses ni Brice.
BINABASA MO ANG
An Inconvenient Attachment
RomanceUntil when are you going to say that you've had enough? Feeling unwanted, unloved and being deprived of having a family. Xiomara Evanthia Zarate is the plutocrat Governor's illegitimate daughter. She was the fruit of a sinful affair between her fath...