Isang marahang pag i-strum ng gitara ang bumungad sa amin pagkapasok ng bar na sinasabi ni Heloise. Medyo dim ang ilaw ng stage pero kitang kita ang bulto ng isang lalaking naggigitara."Excuse me. Excuse me. Dadaan po ang mga Diyosa."
Napangiwi ako sa walang pakundangang pagdaan ni Heloise sa kumpol ng mga tao.
Hila-hila niya ang kamay ko kaya ako ang nahihiya sa mga pinagsasabi niya. Nakasunod naman sa amin si Cia at ang fiancè niya kasama si Klein. Eesha and her husband just stayed in the hotel because of their child. Eesha wanted his husband to come with us but the husband insisted to stay with her. How sweet, right?
"Dito ka, Xam." Naghila ng upuan si Heloise sa tabi niya.
Umupo ako doon at tumabi naman sa akin si Klein. Sumunod naman ang dalawa pa. Heloise ordered us beer and snacks. Mukhang sanay na sanay na siya dito or was it just natural for a party girl?
Can I call you baby?
Can you be my friend?Natigilan ako sa pag iisip nang isang malamig na boses ng lalaki ang bumalot sa buong bar kasabay ng pag strum ng gitara. Wala sa sariling napalingon ako sa maliit na entablado kung saan kumakanta ang lalaki.
Can you be my lover up until the very end?
Kumunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na pigura. Bahagyang natatapakpan ng mahahabang bangs na niya ang kanyang mga mata kaya hindi ko makumpirma.
Let me show you love, oh I don't pretend
Stick by my side even when the world is givin' inTumili ang mga babae nang tumingin na ito sa harap samantalang nalaglagan naman ako ng panga.
"Nag e-emote naman ang magaling kong pinsan. Hay nako! Pero aminin mo, maganda ang boses niya 'di ba?" Humagikgik si Heloise sa akin. "Gaya ng Justine ko. Ihh!"
Hindi ko na marinig ang mga sinasabi ni Heloise sa akin dahil napako na ang mga mata ko sa lalaking kumakanta sa entablado ngayon.
Axton.
I didn't know he sings! And he's damn good!
Oh, oh, oh, don't
Don't you worry
I'll be there, whenever you want meImpit na tili ng mga babae ang kaliwa't kanang maririnig. Ni hindi pa siya nakikipag eye to eye contact niyan. Nakapikit lang siya at dinadama ang kanta.
I need somebody who can love me at my worst
Know I'm not perfect but I hope you see my worth
'Cause it's only you, nobody new, I put you first
And for you, girl, I swear I'll do the worstSa bawat pagbitaw niya ng mga lyrics na 'yon ay parang hirap na hirap siya. Mabigat ang emosyon na lumulukot sa mukha niya kahit na chill naman ang rhythm no'n.
If you stay forever, let me hold your hand
I can fill those places in your heart no one else can"Hay! Iba talaga kapag single. Kung saan saan humuhugot," komento ni Heloise na ikinalingon ko.
"Bakit? Hiwalay na sila si Samantha?" takang tanong ko.
Kumunot naman ang noo niya nang sulyapan ako.
"Bakit naging sila ba?" takang tanong naman niya.
Ako naman ang kumunot ang noo.
"Oo. Hindi ba kinasal na nga sila? Siya 'yung ama ng pinagbubuntis ni Sam noon," sabi ko.
Nalaglag naman ang panga niya kasabay ng paglingon ni Cia sa amin na mukhang narinig ang usapan namin. Nagkatinginan silang dalawa at tumawa.
"Saan mo naman nakuha ang balitang 'yan, Xam?" naiiling na tanong ni Heloise.
BINABASA MO ANG
An Inconvenient Attachment
Roman d'amourUntil when are you going to say that you've had enough? Feeling unwanted, unloved and being deprived of having a family. Xiomara Evanthia Zarate is the plutocrat Governor's illegitimate daughter. She was the fruit of a sinful affair between her fath...