Mabilis na lumipas ang mga araw. Dumating ang finals at mabuti na lang nakahabol ako sa pagrereview sa kabila ng dalawang araw kong bakasyon.
"Guys, saan kayo nitong summer?" tanong ni Cia.
Dahil patapos na ang second semester at tapos na rin ang final exams ay nakapagpahinga na kami mula sa 'di maawat na school activities.
"As usual, uuwi ako sa grandparents ko sa Cebu," sagot ni Eesha.
"Ako naman sa mga pinsan ko sa Batangas," si Heloise.
"Ako? Hmm. Pinag iisipan ko pa kung London o France." Humagikgik si Cia. "Ikaw Xam?"
Napabaling ako sa kanila at umiling. "Condo lang ako."
"Huh? Na naman? Hindi ka ba nagsasawa sa condo mo? 'Di ba sabi mo nasa probinsya parents mo? Ba't di mo puntahan?" si Cia.
Nagkatinginan kami ni Heloise.
"Siguro nga doon na lang." I forced a smile.
Every summer sa condo lang naman talaga ako. I go for shopping sometimes, playing tennis, attending concerts, sometimes trekking and biking. And I do it alone. A vacation that supposed to be with a family is a dream I can only dream of. A dream I couldn't have.
Ang buong akala mag iisa na naman ako ngayong summer pero nagulat ako nang pumunta si Axton sa condo at nagyayang mag mountain biking.
"Axton, we don't really have to do this. I mean, tapos na ang school days, wala na tayong iiwasan. Hindi na natin kailangang magpanggap." Umupo ako sa sofa at humalukipkip.
"But our deal isn't over yet, baby. Why don't we just spend it together? A deal is a deal. Hindi ka p'wedeng mag-breach."
Tinitigan ko siya.
"And besides, Zosia is still nearby. Binabantayan niya ako. At ngayong bakasyon na, mas lalo pa niya akong bubulabugin."
"Fine! Dami mong sinasabi." Umirap ako.
We went to Nasugbu as planned. Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to. Hay!
"Axton! Mauna ka na!" sigaw ko nang huminto pa siya para hintayin ako.
Masiyadong pababa ang trail na ito kaya kabado ako. Samahan pa ng nakakalulang view sa ibaba.
He continued biking as I dealt with my own struggle. I didn't know he likes extreme sports. Pareho lang pala kami pero ako kasi matagal na 'tong 'di nagagawa, and he's active. I bet madalas siya dito since gamay na gamay na niya lahat.
"Ah!"
Sumigaw ako nang may maapakan ang bisekleta ko na bato dahilan ng pagkasemplang ko at paggulong sa maalikabok na lupa.
"Baby!" dinig kong sigaw ni Axton.
"Aw." Umupo ako at ininda ang sakit ng braso at gasgas sa binti.
"Baby! What happened?! You okay?" Lumuhod siya at tinignan ang gasgas sa binti ko.
"Shit! Does it hurt?" Hinawakan niya 'yon.
"No, I'm fine." Kumunot ang noo ko.
Everytime he touches me, parang may tumatalbog sa puso ko at ayaw ko ng pakiramdam na 'yon.
"I'm sorry." Pinagpag niya ang alikabok sa katawan ko. "C'mon, sumampa ka na sa akin. Bababa na tayo." Tumalikod siya at inilahad ang likod niya.
"What?! Axton, kaya kong maglakad."
"Dali na. 'Wag ka nang magreklamo! I'm fucking worried here!"
"Tss..." tanging nasabi ko at sumunod na naman.
BINABASA MO ANG
An Inconvenient Attachment
RomanceUntil when are you going to say that you've had enough? Feeling unwanted, unloved and being deprived of having a family. Xiomara Evanthia Zarate is the plutocrat Governor's illegitimate daughter. She was the fruit of a sinful affair between her fath...