Kabanata 13

245 35 0
                                    

Pansamantala akong hindi huminga nang marinig ko 'yon. Bahagya ko pang naitulak ang pintuan dahil sa gulat. Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit kaya humilig ako sa dingding upang 'di makita.

"He said he already talked to his parents about this and you'll marry in no time..."

Iyon ang huling narinig ko bago sumarado ang pintuan. Saka lang ako dahan dahang napabuga ng hangin at napapikit.

What was that? Axton is the father of Sam's child?!

What the hell?

Napalunok ako at nanghina. Ilang sandali pa akong nakatanga doon hanggang sa nakita ko si Manang Sabel na papaakyat ng hagdan. Umalis agad ako doon at binuksan ang katabing guest room. Hindi ko sinarado ang pintuan at sumilip nang kaunti doon.

"Madam, Ser! Narito po si, Axton."

Namilog ang mga mata ko sa narinig. Naisarado ko agad ang pintuan at napahilig doon. Kung kanina hindi ma absorb ng utak ko ang nalaman ngayon tuluyan na itong nilason. Nangatal ang mga labi ko at pinangilidan ako ng luha na hindi ko alam kung para saan.

Nagsibagsakan ang mga luha ko at wala akong magawa kundi magpunas.

"What the hell is happening to me?" nabasag ang boses ko habang inaalis ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.

Paulit ulit kong pinupunasan 'yon pero paulit ulit ding umaagos. Tumalbog ulit ang puso ko pero ngayon ay mas masakit. May kirot.

"This can't be right?" Tumawa ako habang lumuluha.

Nababaliw na yata talaga ako.

No. I don't love him. Kung bakit man ako umiiyak ngayon ay sigurado akong hindi 'yon ang dahilan. There must be something else. Ego? Masiyado bang natapakan ni Samantha ang ego ko dahil kay Axton? Maybe. Siguro 'yon nga ang dahilan. I can't love him right? I know we had this pretended relationship and it only involves physical. It's only pure lust and sex. No feelings involved and we both know that. Kaya hindi maaaring umiiyak ako dahil sa kanya o kung may feelings ako sa kanya dahil sigurado akong wala!

Kinalma ko ang sarili ko at ilang minuto ko pang tinawanan ang sitwasyon.

"Stupid, Xiomara. You're so stupid to think that way," bulong ko.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan at boses nina Papa at Tita Amelie. Habang papalayo na sila ay unti unti na ring humihina ang mga 'yon. They must be glad. Their name is saved now. Thanks to Axton. I never thought he'd be responsible.

"I admire his personality. He said he won't marry you because you're pregnant but because he's inlove you."

Papa's words echoed on my mind. He loves Samantha. Kailan pa? How come I didn't know that? Nagkikita ba sila habang pinaglalaruan niya ako?

My heart ached again at that thought. Then I remember Brice's words.

"You know his reputation towards women. Pinaglalaruan ka lang niya!"

Yes, I know it's just a game in the very first place. I'm aware of that. Pumayag lang naman ako dahil hinamon niya ako. I agreed because I know I won't fall for a manwhore like him. At laro laro lang ang lahat. Pero bakit ang sakit pakinggan? Ang sakit isipin na pinaglaruan niya lang ako at ang kapatid ko naman talaga ang mahal niya.

Is this the result of betrayal, disappointment and my screaming ego?

Lumandas na naman ang luha ko na agad kong pinalis.

"You stupid tears. Why do you keep on falling?" I whispered slowly.

Huminga ako nang malalim at inayos ang sarili. No. I don't want to look pathetic. Whatever happened between me and Axton, it was just a natural reaction of two people who feels lust towards each other. Why should I look down on myself? I'm not so smart but I'm not that stupid as well. If they love each other and bound to marry then go. I don't fucking care.

An Inconvenient AttachmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon