Kabanata 19

260 34 3
                                    

"Hey baby, are you okay?" biglang tanong ni Klein habang kumakain kami ng breakfast kinabukasan.

Nasa restaurant kami ng hotel na kaunti pa lang ang tao.

"Hm? Yeah." I forced a smile.

Nanatili ang titig niya sa akin.

"Are you... sure? You're not eating properly. Don't you like the food?"

Sinulyapan ko ang pagkain na hindi ko pa nagagalaw at parang nalaro ko lang.

"Uh... I like it. It's just that... I'm not feeling well," palusot ko.

Kahit ang totoo kung saan saan napapadpad ang utak ko. Kinapa niya ang noo at leeg ko.

"Is that why you didn't come back last night? You suddenly got disappeared."

"Yeah. Sorry for that..." I trailed off when I saw Axton entering the restaurant.

Sinundan ko siya ng tingin habang nagsasalita si Klein sa harap ko.

"You should've called me for at least I should've accompanied you."

Dumiretso siya sa pangdalawahang upuan at agad tinugunan ng waiter. Sumulyap siya sa banda ko kaya napabaling ako kay Klein.

What? Did he catch me staring?

Nagsimula na akong kumain kahit wala naman akong gana. I received a message from Yohan after some time.

Yohan: I've just received Dad's lab results. Come home now.

Nagtipa agad ako ng sagot.

Me: Okay.

Nagpaalam ako kay Klein na uuwi muna ng Laguna at pumayag naman siya.

Umuwi ako ng mansyon kung saan naghihintay si Yohan sa akin sa sala. He handed me the envelopes immediately.

"Nabasa mo na?" I asked.

Tumango siya at nag iwas ng tingin. Binuksan ko ang envelope at inilabas ang mga papel. Mabilis ko 'yong binasa at bahagyang natigilan.

"Yohan..." Sumulyap ako sa kanya.

"Dr. Valdez offered us two options, Xiomara. An open heart surgery that has no certainty or pure medications that will take too long to fully recover."

Unti-unti kong naibaba ang mga papel.

"His heart is becoming weaker and weaker, Xiomara. We need to decide now." Tumingin siya sa akin.

Hindi na ako makasagot. Tinitigan ko na lang siya dahil ako mismo hindi alam ang gagawin. Cardiology isn't my specialization so I don't know which move has the highest probabilities of success.

Ngayon parang nagsisisi ako na hindi 'yon ang kinuha kong specialization. My father needs my help but I couldn't do anything about it.

Mabigat akong bumuntong hininga at nag iwas ng tingin.

"What do you think, Yohan?" mahinang tanong ko. "Should we ask Dr. Valdez's opinion?"

"I already did."

Napalingon ako sa kanya.

"What did he say?"

"He suggested the first option."

"Pero sabi niya walang kasiguraduhan 'yon."

"Yes but he also said that it's the only way to lessen his burden. Kapag naging successful ang operation, tuluyan na siyang gagaling."

"What if not?" seryosong tanong ko.

Bumaba ang tingin nyta at tumitig sa sahig. Hindi na siya nagsalita kaya nakuha ko na. He won't make it.

An Inconvenient AttachmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon