Kabanata 8

289 52 1
                                    


"Candle light dinner, slow classical music, cold red wines, small romantic talks. Ih! Gosh! I can't believe it happened last night," pakinig kong kwento ni Heloise.

"Are you sure it was Justine who you've dated? Hindi kaya nagdedeliryo ka lang?" pang aasar ni Cia.

"Of course siya 'no! He even set the table for me. If you guys only saw how stunning he was last night? I'm sure you'll droll over him too." She giggled.

"You're just exaggerating things, Heloise. Palibahasa patay na patay ka," Eesha commented.

"Oo, patay na patay talaga. And I can feel that one of these days, hindi na lang ako number one fan. I will be his girlfriend," tulalang sabi niya.

"Asa ka. May Cassie na 'yun uy!"

"Alam niyo kayo?! Panira kayo e. Paki niyo ba?!"

Tumawa ang dalawa.

"Xam, may kinalaman ba si Axton sa date nila ni Justine? I'm pretty sure meron." Kinalabit ako ni Cia.

"Mm?" Nilingon ko siya sandali.

Axton and I have been texting since this morning. Nagrereklamo siya kasi hina-hunting na daw siya ni Cassie for making her bestfriend cry.

Axton:
What should I do, baby? Hindi ko kayang patulan ang kapatid ko. Papatayin ako ni Dad.

Napangisi ako.

Tsk. Tsk. Tsk. Axton... Why so childish?

"Huy!"

Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko sa pagsigaw ni Heloise sa tenga ko.

"Ano ba, Loi!" Matalim ko siyang tinignan.

"Kanina ka pa op d'yan ah? Sino'ng ka-text mo at ngingisi ngisi ka d'yan? Si Axton?"

Bumalik ako sa pagtitipa at tamad siyang sinagot.

"Sino'ng ngumingisi, Heloise? You're imagining things again."

"Alam niyo kayo? Palagi niyo na lang sinasabing nag iimagine ako. Ano'ng akala niyo sa akin? Baliw? Takas sa mental?"

Sabay sabay kaming napangiwi.

Ako:
What I told you about being too harsh on her last night?Tsk. Problema mo na 'yan. Don't drag me.

Mabilis siyang nagreply.

Axton:
My problem, your problem. Your problem, my problem. Remember, naging isa na tayo?

Kumunot ang noo ko.

Ako:
When and how?

Axton:
Last night.

Uminit nang bahagya ang pisngi ko at nagtiim bagang.

Ako:
YOU PERV!

Axton:
HAHA! Gotcha. Puntahan kita mamaya sa building niyo. Sabay na tayo mag lunch.

Umikot ang mata ko at hindi na sumagot. Saktong dumating ang propesor namin kaya dahan dahan akong napabuga ng hangin. Pilit iwinawaksi ang mga nangyari kagabi. Hindi na aksidente 'yon dahil pareho naming ginusto. Iyon yata ang nagagawa ng alak. Hay! I'll make sure that the next time I drink, Axton isn't around.

"Ganyan nga baby. Pangalan ko lang dapat ang lalabas sa bibig mo kapag ginagawa ko 'to. At sa akin mo lang gagawin 'to, naintindihan mo?"

His hoarse voice ehoed my mind.

"Y-Yes. To be fair, dapat ganoon ka rin. Sa akin mo lang 'to gagawin, Axton."

I don't know why I said that. Honestly, I don't care about him having sex with another woman. I only want fairness. Dahil alam ko sa sarili kong hindi ko kayang gawin 'yon sa ibang lalaki. I don't know. Something's wrong with me these days.

An Inconvenient AttachmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon