Ilang araw bago dumating ang midterm exams ay tinutukan ko ang pag aaral. Kahit pa maraming gumugulo sa isipan ko ay hindi ko p'wedeng balewalain ang pag aaral ko. I want to excel. At least this would be the only thing I can be proud of and the only way I can repay my father.
"Do I need to repeat myself over and over again, Xiomara?"
"No, P-Papà."
"Honestly, I don't want to get mad again in the same situations. You've grown enough and I assume you know what to do, or... do I still have to tell you that?"
"No Papà." Umiling ako. "I'm sorry. That won't happen again. I promise," mahinang saad ko.
"Just make sure, Xiomara. Because if this humiliation happens again, whether it is your fault or not, I will throw you out of the country."
I can't believe he can say that. I felt like I've been stabbed a thousand times hearing those words from him. Hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong may kasalanan din ako. Kung hindi ko na siya pinatulan, hindi sana madudungisan ang pangalan ni Papà.
Usap usapan pa rin ang balitang 'yon ngunit humupa na din ito dahil pinaunlakan na ni Papà ang media. Sinabi niyang away bata lang ang nangyari at itinawa na lamang niya ang sitwasyon.
I snapped out of the moment when a large hand covered my eyes. Sa amoy pa lang niya alam ko na kung sino.
"Axton," walang kwentang saad ko.
Tumawa siya nang bahagya. "Wrong."
Padabog kong inalis ang kamay niya at tumalikod para tignan siya nang masama. The brute is smirking.
"It should be baby."
Nagtaas ako ng kilay at humalukipkip.
"Ano na namang ginagawa mo dito?"
Nakapila ako sa mahabang linya ng registrar's office dahil sa pagbabayad ng exams.
"I just want to check on my girlfriend. Masama ba?" Nagtaas din siya ng kilay.
Nilingon ko ang babaeng nasa likuran ko kanina. Mukhang hindi naman niya narinig 'yon dahil nakanganga pa siyang nakatingala kay Axton. Umugong ang impit na tili at hagikgikan ng mga babae nang isa isa na nilang napansin ang lalaking kausap ko.
"P'wede bang umalis ka na? You're catching too much attention!" mariing bulong ko.
"Bakit? Kasalanan ko ba kung guwapo ako? And besides, mukhang aabutin ka pa ng lunch dito. How much do you need to pay? I can pay your three year-Aw!
Kinurot ko ang tagiliran niya. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang kayabangan niya. Nakakairita!
"P'wede ba, Axton?! Stop meddling! Umalis ka na nga!" Masama ang tingin ko sa kanya.
"Hush baby, relax." Tumawa siya at hinaplos ang buhok ko na agad ko ring hinawi.
Tinalikuran ko siya at nagconcentrate sa pila.
"Kumain ka na?" tanong niya bigla.
"Tapos na!" iritable pa ring tugon ko.
I don't know why I keep on talking to him even if he's annoying.
"Ako hindi pa. Samahan mo naman ako." Kinalabit niya ako.
"Axton, can't you see that I'm busy?!" I impatiently said.
"Busy with what? Standing?" pamimilosopo niya.
Matalim ko naman siyang tinignan. He smiled sweetly and made a "peace" sign. Marahas akong bumuntong hininga at umiling na lang. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha yang pagiging childish niya. Napakaimmature. Tsk.
![](https://img.wattpad.com/cover/250537885-288-k748367.jpg)
BINABASA MO ANG
An Inconvenient Attachment
RomanceUntil when are you going to say that you've had enough? Feeling unwanted, unloved and being deprived of having a family. Xiomara Evanthia Zarate is the plutocrat Governor's illegitimate daughter. She was the fruit of a sinful affair between her fath...