Mabilis na lumipas ang mga araw at sa mga araw na 'yon ay madalas na nga kaming magkasama. Madalang ko na ring makita si Brice at Samantha at kung magkataon man ay palaging nand'yan si Axton para iligtas ako sa sitwasyon. But not only him, there was a time that I came to save his ass too. Kahit pa busy'ng busy din ako sa buhay.
I was running on the treadmill when he called all of a sudden. This is very unusual of him, kung gusto niyang makipagkita ay hindi na siya tumatawag. He would just drag himself here like the usual.
"Axton," I breathed heavily.
"Baby, can you go to my condo? Zosia's outside! Damn it. I can't get out!" he spat.
I rolled my eyes. "Axton, aalis di-"
"No, you don't know her. She's fucking obsessed! Hindi siya aalis hangga't hindi niya ako nakikita."
"Then just stay home. Huwag ka nang lumabas."
"Baby, remember we have a deal? I'll help you with that moron, you'll help me with this psychopath!" may pagbabanta sa boses niya.
"Okay fine, relax. Papunta na ako."
Nagpahinga lang ako saglit bago nagshower. I don't usually wear sexy and revealing clothes unless I will party but now isn't an exception. I purposely wore a skimpy black dress in a sweetheart neckline, revealing a slight cleavage and my hair was up in a bun. Light touch of make up, a spray of my favorite perfume, killer heels and I'm done.
Time to slay the night.
Axton texted me his address right away and within 30 minutes, I arrived. Nang bumukas ang elevator ay naging madali na para sa akin ang paghahanap ng unit niya dahil sa babaeng nakaupo at nakayakap sa mga tuhod ang tumambad sa akin sa labas ng isang unit. Napangiwi ako nang makita ang dala pa nitong cake na bitbit pa niya at ayaw bitiwan kahit may panginginig na ito.
Tumikhim ako at huminto sa harapan niya kaya napatingala siya. Hindi ako pumapatol sa bata pero gusto kong maging maayos ang trabaho ko bilang "girlfriend" kuno.
"Hey, who are you? Why are you here?" kunwaring tanong ko.
Kumunot naman ang noo niya at dahan dahang tumayo. She's wearing a denim jumpsuit with a white inner shirt. She's actually pretty, or let's say cute. But not Axton's typical type. Knowing him, gusto niya 'yung malalaki at malulusog.
"Sino ka?" kunot noo niyang tanong habang pinapasadahan ako ng tingin.
"I'm Xiomara. Axton's girlfriend." I smiled. "And you are?" Turo ko pa sa kanya.
She laughed ridiculously. "Are you kidding me? Girlfriend? We both know that Axton isn't having girlfriends. Baka flings." Ngumisi siya.
"Oh, I didn't know that. Ang sabi kasi niya sa akin, ako pa lang ang unang sineryoso niya kaya I assume he's not telling lies."
"Well he is. Wala siyang sineseryoso. Alam ko 'yon dahil matagal ko na siyang kilala at ako lang ang may karapatan na maging girlfriend niya." Painsulto siyang ngumisi.
I faked a smile despite my boiling blood. Pasalamat siya bata lang siya at ayaw kong pumatol, imbes ay kinuha ko na lang ang cellphone ko at ini-dial ang numero nang hayop kong boyfriend.
"Well then, let's see." I smirked.
Dumilim naman ang hitsura niya habang nakatingin sa akin.
"Baby!" halos masuka ako sa pagtawag ko sa kanya.
"God! Finally you acknowledge our endearmeant." Axton chuckled on the other line.
"Of course, ikaw pa ba? Nasa labas na ako. Are you ready?" Hilaw na hilaw na ang ngisi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/250537885-288-k748367.jpg)
BINABASA MO ANG
An Inconvenient Attachment
RomanceUntil when are you going to say that you've had enough? Feeling unwanted, unloved and being deprived of having a family. Xiomara Evanthia Zarate is the plutocrat Governor's illegitimate daughter. She was the fruit of a sinful affair between her fath...