Kabanata 17

254 33 4
                                    

"Kumusta?" tanong ni Yohan nang makababa ako.

"He's asleep now." Tumabi ako sa kanya sa sofa.

Bumuntong hininga siya.

Medyo namamaga pa ang mga mata ko mula sa pag iyak kanina. After our conversation, hindi na nasundan 'yon at wala na kaming ibang ginawa kundi mag iyakan.

"Ano'ng plano mo?" tanong ni Yohan na tumingin sa akin.

"He doesn't look good. I checked him up while sleeping. He's weak, Yohan."

Hindi siya umimik.

"May medical records ba siya? Have you tried bringing him to the hospital?" Nilingon ko siya.

Nakatitig lang siya sa kawalan.

"Heaven knows how many times did I try to convince him but he always refuses. Nagdala na rin ako ng doktor dito. Our family doctor. He only said he has complications due to the accident. And he has also heart problems."

Napasinghap ako doon. No wonder he became that weak.

"Though he's still taking his medicines. Iyon na lang ang ginagawa niya ngayon. I'm sorry I couldn't do anything."

Sinulyapan ko siya at hinawakan ang kamay niya. "You have done so much, Yohan. And I'm so grateful for that. Hindi mo pinabayaan ang Papà despite you taking care of the company."

Nilingon niya ako nang may lungkot.

"What do I do without you, Xiomara? Baka hindi ko na kayanin ang lahat ng 'to?" bulong niya.

"I'm sorry, Yohan. Ngayon lang ako dumating."

Hinila niya ako at ipinatong ang ulo ko sa kanyang balikat.

"We're so lucky to have you despite what we've done."

"Yohan."

"Thank you, ate."

My lips curved a smile.

I stayed for a day, taking care of Papà's medical record. Nakausap ko na rin ang family doctor namin at sinabi niya ang kondisyon ni Papà. We checked him up and both agreed to make him confined in the hospital. Ayaw pa niya noong una pero kalaunan ay napapayag ko rin.

We brought him to a private hospital the following day and in days we'll get to know his lab results and decide what would be best for him. Kung kaya pang magamot. At habang naghihintay ng resulta ay nagtext naman si Heloise sa akin.

She said they were already in Batangas. Sa resort kung saan ako tumutuloy. Nagpaalam muna ako kay Papà at Manang Sabel na pupuntahan ko ang mga kaibigan ko at ibinilin na tawagan ako kapag may resulta na.

"Heloise!" pagtawag ko nang mamataan ang grupo nila sa restaurant ng hotel.

Naibuga pa niya ang kinakain nang lumingon sa akin. Her chinky eyes widened and ran towards me immediately.

"Xiomara!" sigaw niya at niyakap ako nang mahigpit.

Muntikan pa akong mawalan ng balanse sa pagdamba niya sa akin. I chuckled and hugged her back.

"My God! Bakit ngayon ka lang?! Kahapon pa kami dito!" she ranted.

Humiwalay ako sa kanya.

"Sorry, guys. I went home to see my father."

Ngumuso siya at hinila na ako papalapit sa table.

"Xammy girl!" Tumili si Eesha na may kargang baby girl.

"Oh! Is that your child?!" gulat na tanong ko.

Masama naman niya akong tinignan. "Of course! Bakit? Hindi ba kami magkamukha?!"

An Inconvenient AttachmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon