Kabanata 10

324 47 0
                                    

Weekend came and I had no choice but to come with him. We arrived at Laiya island beach in San juan, Batangas earlier than expected. Hindi na ako nagdala ng gamit except for my bag and of course Apollo, dahil ang usapan ay sasamahan ko lang naman siyang i-check ang resort, kaya nagulat ako nang magcheck in kami sa hotel na may kalumaan na. It's a small hotel yet classical. Malinis din ito at maraming turistang nagdadagsaan.

"I have a reservation." Humilig siya sa reception desk at kumindat sa babaeng receptionist.

Umikot ang mga mata ko nang bahagyang lumabi ang babae at pinamulahan ng pisngi. Kahit saan talaga hindi papaawat ang kalandian ng isang 'to.

"N-Name, Sir?"

"Axton Esquivel."

Sandali pang nagtipa sa computer ang babae at nang tumingin kay Axton ay matamis na ngumiti.

"Here's your room number and key, Sir."

"Thanks!" He winked again and held my waist.

Inalis ko 'yon at nauna nang nagmartsa.

"How can men be so very flirtatious nowadays, right Apollo? Pati yata basurahan kikindatan." Hinimas himas ko ang ulo ng aso ko.

Axton chuckled behind me and held my waist again.

"Bakit ang sungit ng mommy mo ngayon, Apollo? Meron ba syia?" Humalakhak siya.

I glared at him and rolled my eyes.

"I hope not. Ikamamatay ko," bulong niya sa akin.

Siniko ko siya nang malakas kaya napadaing siya. Hindi lang kalandian ang dala niya, pati kamanyakan.

Isang malaking suite ang kinuha niya at hindi na ako nagulat nang makitang iisang kama 'yon and it's a king sized. May mini kitchen din, bathroom, closet, mini living area at veranda. Umupo siya kama at itinukod ang dalawang kamay doon. Ibinaba ko naman si Apollo na agad ding gumala.

"Bakit hindi ka man lang nagdala ng damit?"

Hindi ko alam kung pang ilang beses na niyang tinanong 'to.

"Ang usapan, sasamahan lang kitang i-check ang resort, hindi upang magbakasyon, Axton," sabi ko habang iginagala ang paningin.

The interior has minimal designs that has a black and white color combination.

"No problem. We can have it delivered." Kinapa niya ang cellphone at nagdial doon.

Dumiretso ako sa veranda at binuksan ang glass door. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin kasabay ng pagsabog ng mahabang buhok ko. The ocean view is very breathetaking. I can no longer remember the last time I went to see a beach. High school pa lang yata ako noon. Not with my family but with my friends.

In the morning we went out to see the abandoned resort he was talking about. He said his father wants it renovated and operated eventually.

Actually malaki 'yon at makikita na talagang bumenta nga ito noon. From its old cottages, rest rooms, function rooms and two private swimming pools screams success from the past.

"What's that land for?" Turo ko sa medyo madamong bahagi ng isla.

Nasa dulo na yata kami ng isla dahil isolated na ang lugar. Tanging kami lang at iilang tao ang naglalakad sa ilalim ng mga puno ng niyog dalampasigan.

"Ah, the spot where Dad would like me to build a hotel."

Sinulyapan ko siya. Oo nga pala. Engineering student nga pala ang loko.

"He personally wants his son to build it for him, huh? Matatapos mo kaya, Axton?" I teased.

"Wala ka yatang bilib sa akin? What did your Professors tell you about the projects I made?" He narrowed his eyes.

An Inconvenient AttachmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon