KABANATA 30

726 55 5
                                    

Kabanata 30

_______________

JEAU P.O.V

Kinaway ako ni Lola Wa at nagtungo naman ako sa kanya at tinabihan siya doon.

"Hijo kumusta ang klase?" aniya na nakatitig lang sa menu.

Naalala ko naman kung gaano kalala si pangit kanina at ginulo kami doon.

Hindi maganda.

"Ayos lang naman la." tipid na sagot ko na nakatingin lang din sa menu. Napasulyap si lola Wa sakin at halatang inoobserbaran niya ako.

"Talaga ba?"panunuya niya pa.

"Oo naman lola Wa!" masiglang sabi ko "Kahit itanong niyo pa kay Sir Ferrer!" Wala naman akong ginawang masama ngayong taon, tahimik lang ako at ang pinakaayaw ko lang sa Laurente ay ang makita si pangit. Masakit talaga ang mga mata ko sa kanya!.

Nang makapili na kami ay naghintay pa kami ng ilang minuto at si lola naman ay malalim ang iniisip sa ngayon. Hindi ako mapakali sa itsura niya at tinanong ko nalang.

"May problema ba lola?" seryusong sabi ko at umiling lang siyang napabuntong hininga.

"Nag-aalala lang ako sa papa mo. Masyado niyang pinapagod ang sarili sa darating na eleksyon. Kaya kailangan malinis rin ang kilos mo Jeau." aniya at tumango lang ako, wala naman akong ginawang kabaliwan para mapahiya si papa.

Susuportahan ko nalang siya sa trabaho niya dahil doon naman kami nabubuhay ni lola.

"Yon lang ba la? Parang may iba pa eh."pangungulit ko pa.

"May bago lang akong taong pinapasok." aniya at tumango lang ako.

Nang makarating ang order namin ay nagkwekwentuhan lang kami ni lola sa lahat maliban kay pangit.

Siya lang naman ang may pinakamalaking issue doon ngayon sa campus. Mula kay Sir George, sa top 3 E.E niya, sa matanda kanina sa canteen at ang away kanina. Straight din yung ganon kaya siya talaga ang laman sa issue.

"Balita ko sa susunod na linggo ang acquintance niyo hijo?"

"Ah opo la, binago lang dahil may plano ata si Sir Ferrer, kami rin ang sasayaw doon. May dalawang introduction number kami non lola. Kaso di kayo makakapunta."kwento ko nalang.

"Anong wala!? Nandoon ako!" asik niya.

"Talaga la!? Mapapanuod niyo kami?"

"Guest ako don. May compitation ang mga new comers." aniya na hindi ko naman alam, ni si Monica ay walang sinabi sakin. Pero siguro ay nagkausap na sila ni Sir Ferrer. Tumango lang ako kay lola at nagpatuloy na kumain.

"Marami-rami ang transferee ngayong taon. At balita ko dalawa ang nakapasok sa top 3."

"Ah oo " tipid na sagot ko. Dahil naaalala ko na naman si pangit kung paano niya pinaiyak noon si Monica sa backstage. Kasalanan niya rin iyon!.

Ngumiti si lola na parang nagustuhan ang pinag-usapan namin. "Maganda ang Laurente ngayon hijo. Nandito ang taong gusto kong makilala." aniya na hindi ko alam ang pinagsasabi niya siguro ay matanda na si lola kaya kung anu-ano nalang ang nasa isip ay sinasabi nalang rin.

"Hijo. Mag-ayos ka sa pag-aaral mo dahil graduating kana. Huwag magbulakbol!" aniya na nanga-ngaral na naman.

"Oo na!" asik ko at tinignan siya "Nga pala la? May sasabihin kabang importante sakin ngayon?"

"Ahh wala. Nagbago ang isip ko. Saka nalang yon." nakangiting aniya.

Nang makauwi na kami sa bahay ay agad akong nagbihis para matulog na sana ng may naalala ako bigla ay napabakon ako.

YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon