KABANATA 97

647 54 8
                                    

Kabanata 97



_______________



JEAU P.O.V.





Sino ba ang sasaya? Pagkatapos ng mahabang payo ni lola titibay tayo tas pagkatok lang nila maabutan kong magkasama sila? Hindi naman makatarungan to! Kaya may karapatan akong magbusangot!. Hindi na tumuloy para manligaw si Calvin at umuwi na agad matapos kaming kumain ng hapunan at gaya nung una at nakaraan ay adobo na naman ang naging ulam namin. Hindi na nagtanong si lola sa nasaksihan niya kung bakit magkasama ang dalawa.





At mas nagulat pa ako sa nangyari! Habang naghihintay kanina si Calvin sa may sofa ay bumaba si Lei dala ang pusa! Magrereklamo pa sana ako kaso wala akong karapatan doon. Hinatid pa ni Lei si Calvin palabas ng bahay! Anong pag-iisip yon! Wala na bang paa si Calvin para ihatid pa niya!.




Hindi ako mapakali! Ayokong lumabas rin para tignan sila. Pabalik-balik ang lakad ko sa may pintuan ng bahay. Ang tagal niya namang makabalik!.





"Hijo. Tatlong minuto pa ang lumipas." Saad ni lola na nakahalukipkip lang sa may sofa sabay inom ng kanyang paboritong tea. Hindi ako mapakaling umupo sa tabi ni lola na sakto namang pagpasok ni Lei na para naman akong nabunutan ng tinik. Bakit niya binigay ang pusa!.





Paakyat na ako ng hagdanan ay nagkataon namang magkasabay kami ni Lei. Hindi ko siya pinansin para saan pa?. Ang balak ko nalang ngayon ay mag-aral sa binigay na soft copy ni Miss para sa SUMMIT!.
Nakasout pantulog lang ako papunta sa library ng bahay, pagpasok ko palang doon ay naabutan ko na si Lei nagbabasa ng isang makapal na libro.




Lumayo-layo ako ng kaunti sa kanya at umupo sa pinagilid na bahagi ng lamesa at sinimulan kong buksan ang computer.




"Anong problema mo?." Tipid pero umaalingaw-ngaw na tanong niya sakin. Nakatitig parin ako sa screen ng computer. Nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako mapakali pero kinaya ko namang sagutin siya ng kalmado. "Ayos la-"




"Hindi. Hindi ka ayos." Putol niya sa sasabihin ko at mas nagulat nalang ako ng lumapit siya at tumabi sa may upuan ko. "SUMMIT ka rin? Goodluck nalang satin." Tipid na aniya at nagsimulang basahin ang nasa folder niya. Napatanga ako saglit sa nangyari! Saang banda ba siya nag-aalala? Sa pagsali ko sa Summit o sa nararamdaman ko?. Napailing nalang ako sa naiisip at nagsimulang magbasa at iniintindi, wala naman akong problema aa pag-aaral kaya madali lang rin sakin kahit papano.




Panay basa ko nakasulat sa screen ng computer nang mapansin kong may nakatitig talaga sakin. Unti-unti akong napalingon sa kanya at ito na naman ang pakiramdam na kinatatakutan ko! Ang pakiramdam na parang lumutulang ang katawan sa saya!!. Titig palang ayos na!  Muli kong ginising ang katinuan ko at masama siyang tinignan, umaatras ako ng kaunti mula sa kanya ng magsalita siya.




"Anong problema mo?." Ulit niyang tanong mula kanina pa. Nagtaka rin ako sa tanong niya pero humanap parin ako ng maisasagot.




"Wala nga." Tipid na usal ko.






"Ahh." Walang ganang reaksyon niya sabay sarado ng librong binabasa niya. Akala ko doon na magtatapos pero hindi pa pala. "May kaunting nagbago sayo, hindi lang ako sanay makita." Aniya na tumayo akmang aalis.




"Anong nagbago? Ha?" Tanong ko pa.




"Mas maganda pala pag isip bata ang kausap ko kesa ganito, tahimik na nga akong tao dadagdag kapa." Aniya at bumuntong hiningang umalis!.




YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon