KABANATA 107

507 47 4
                                    


Kabanata 107

_________________





JEAU P.O.V.




Sampu silang mga kalahok na ngayon ay nakaupo sa stool sa mismong stage para sa subject ni Sir Gajano. Makikita lang naman namin dahil may malaking flat screen dito sa backstage.





Kalmado lang nakatitig sa sahig si Lei animoy sanay siya sa mga ganito ni hindi ko makita na kinakabahan siya ngayon bagay na ikinagagalak ko. Marami pang sinsabi ang MC sa rules at lahat yon ay iniintindi namin.




"Rules are simple,
The host will state the question twice, after which a bell will ring to indicate and when you will raise your hand to answer the question
the person who raises their hand first gets to answer first the person will be given atleast 30 seconds to answer if they cannot then it shall be given to the competitors"



Nagsimula na akong kabahan para sa kanya pero nawawala sa tuwing maiisip ko ang mga pagsisikap na ginawa namin ni Lei.




"Relationship of sociology in other social science." Kalmadong tanong ng MC. Naging tahimik ang paligid at nagsimulang may umangat ng kanang kamay. Si Monica.







Diko inaasahan na makakalaban niya si Lei. May tiwala naman ako sa loveybabe ko pero parang kinakabahan parin ako kay Monica. Hindi rin naman ganon kahina ito. Napatingin naman ako ngayon kay Lei na ngayon ay nakangisi lang hindi ko siya ganon makita dahil sa flat screen lang kami nanunuod! At si Monica ang focus!!.





"STEM 1." tawag ng MC at inayos pa muna ni Monica ang lapel niya bago sumagot.



"Anthropology, Psychology, Economics, History and Political Science." Nakangiting sagot nito.



Sa sampung section na meron ang STEM ay apat ang napiling lalaban sa bawat subject, tatlo naman sa ABM, dalawa sa HUMSS at isa sa TVL. Yon ang napagkasunduan at napili nila na ilalaban sa bawat subject.






"1 point STEM 1. Next" Usal ng isa pang MC at nagsipalakpakan naman ang manunuod. Madali lang matapos ang laban dahil kung sino ang limang estudyanteng makakasagot sa unang round ay siya ang sasali sa second round kung saan ay tatlo nalang rin ang matitira hanggang sa dalawa at isa na para sa maging champion!.






Masayang naglalakad papunta sa kabilang stool si Monica at siya ang naunang nakaupo doon para sa second round.





"One of the disciplines that studies human social behavour in a scientific, systematic manner."






At sa unang pagkakataon ay walang nakasagot, may nag-angat ng kamay pero mali ang mga sagot nila. Doon ako napalabas ng backstage at tinignan si Lei sa may gilid lang ng stage at doon ko siyang naabutang sumagot.





"Sociology." Tipid na sagot niya at nagsipakpakan ang mga HUMSS na manunuod. Nakahinga ako ng maluwag at napangiti narin sa kanya. Bakit pa ako magtitiyaga sa backstage kung pwede rin naman dito sa may kurtina sa gilid ng stage.






"1 point HUMSS 1, next."



Napatitig lang ako kay Lei ng napatabi siya ngayon kay Monica, hindi sila nagpapansinan at siguro naramdaman niya akong nakatitig sa kanya dahil pasimple rin siyang napasulyap sakin at tumango. Bago ang lahat akala ko normal ang kilos niya pero may kakaiba siyang pinapahiwatig. Diko maintindihan kung ano kaya isinantabi ko nalang hanggang sa umabot sa puntong second round na.




YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon