KABANATA 68

759 62 23
                                    


Kabanata 68

_______________


JEAU P.O.V.


"Hindi ko kayo minsan nakitang nagkasundo. Kaya itong dalawang linggo nato ay susulitin niyo para magkaintindihan kayo."

Ha! At sino ba ako!? Para pumayag?

"Ayoko!" Asik ko. "Kung hindi talaga magkakasundo ay hindi talaga!" Reklamo ko pa

"Tayo-tayo nalang ang matitira dito sa darating na lunes kaya kailangan mong makisabay sa kanya Jeau."


"Lola Wa naman bakit niyo pa ba pinauwi sina Yaya Doris!?"


"Namimiss narin nila ang pamilya nila apo. Dalawang taon rin silang nandirito para mabantayan kalang nimal ka!. Hindi ko sila kayang tangihan, may pamilya rin silang uuwian, may mga anak silang aalagaan kahit kaunting oras man lang." Saad ni lola na ikinatahimik ko. "Sa dalawang taon ay hindi ko pa sila napapauwi sa mga pamilya nila! Kaya ito na ang kanilang pagkakataon! Ikaw!? Malaki kana tsaka kaya mo naman ang sarili mo-"


"Eh-eh paano kung magkakasakit ako lola Wa! Sinong mag-aalaga sakin!? Sino?" Pagpipigil ko sa disesyon niya.

"Abay! Kang bata ka! Kung nakakaya mong maglasing ay makakaya mo ring alagaan ang sarili mo!" Asik pa niya na nagulat pa ang mga mata " Ang adobo ko!" Sigaw niya sabay lapit sa stove at doon panay sandok. "Ano kaba Jeau! Matanda kana."

"Eh may sakit ako la!" asik ko pa pero sa huli ay wala akong nagawa sa bawat pahayag ko. Siya at siya rin ang masusunod.

Nang dumating ang lunes ay umaga palang ay si lola Wa na ang gumising sakin. Wala na si Aling Laling para gumising pa. Nakaalis na sila madaling araw palang pauwi sa kani-kanilang probinsya. Sa sampung katulong ba naman namin ay parang gumaan ang bahay. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila pero hindi ata ako sanay na kami lang ni lola Wa at pangit ngayon ang naghahanda sa bawat kain namin sa kusina.

Unang kita ko palang ay naabutan ko si lola Wa nagsandok ng kanin habang si pangit ay naglalagay ng mga plato.

Ang sabi ni lola dapat magkakasundo kami siguro sisimulan ko muna ngayon sa maliit naparaan at sa paraan na yon ay uunahin ko muna siyang batiin. Ha! Asa siyang araw-araw ko to! Ngayon lang to mangyayari!.

Nang magkaharap kaming dalawang nakaupo ay agad akong nagsalita. " Good Morning-" napadilat ako sa gulat sa ginawa niya!. Pinasadahan niya lang ako ng tingin bago kumuha ng kanin!.
Abay isang napakalapastangan na nilalang! Hindi niya ba ako nakikita! Walang modo! Ayoko na sa kanya! Nakakabwesit!.


"Kumain na tayo! Masarap ba ang adobo ko?" Tanong ni lola Wa kay Lei na mahinang tumango. "Ikaw apo?" Aniya na susubo palang ako. Simula ng makaalis ang mga katulong ay puro adobo lang nakahain at hindi sa nag-iinarte pero nakakaumay yon! Mataman akong napatangong napipilitan kay lola Wa.



"Masarap po la." Pag-aamin ko.


"Gusto ko po ang luto niyo. Sana bukas ganito rin po." Sabat ni pangit na ikinasira ng mukha ko.


"Talaga Lei? Sige kung masarap ngayon ay mas pasasarapin ko pa bukas!" Masiglang sabi pa ni Lola sa kanya. Aynaapo naman! Kung magpapabida pa ba naman siya sa harapan ko ay dapat hindi sa ganitong paraan!. Adobo na naman bukas!? Wala nabang katapusan to?.

Nang matapos kaming kumain ay sa parking area ang bagsak namin. Panay kaway ni lola sa may gate nang makaalis na kami sa bahay. Isang guard lang ang meron sa bahay tsaka taga-rito lang rin. At kagaya nga sa gusto ni lola ay nasa iisang kotse na naman kami ngayon ni pangit!.



YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon