KABANATA 163

178 8 0
                                    

JEAU P.O.V.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko para kay Lei ngayon, hindi ko lang inaasahan na magkakaayos pa kami dahil sa totoo lang unting-unti na akong nawawalan ng pag-asa pa para sa aming dalawa hanggang sa ako na ang nakiusap kay Alexa.

" Hindi ko pala kaya Alex, ang hirap itulog sa ganito." saad ko bigla ng dalawin niya ako sa bahay, ilang mga oras nalang at sasapit na ang araw na ikakasal na kami at haharap sa altar, maiisip ko palang iyon ay hindi ko kaya gawin. 

Hindi niya lang ako napansin pero alam ko na nasasaktan ko rin siya sa mga nasasabi ko ngayon pero nakikita rin naman niyang nahihirapan na ako.  Hindi lang ako ang nahihirapan at nasasaktan dito, pati datin niyang boyfriend na hanggang ngayon ay naghihintay parin sa kanya.

"ayoko Jeau," aniya pero hindi na, wala na akong magagawa pa, napaluha nalang ako at nawawalan na ng lakas pa, hindi ko kayang ituloy pa ito. "Paano kong mahal talaga kita? paniniwalaan mo pa ba ako?" sigaw niya sa harapan ko

"Paano mo nasasabi yan Alex, habang may naghihintay pa sayo na mas tama pa sa akin' saad ko pa at umalis nalang siya sa kinatatayuan niya pero hinawakan ko agad ang braso niya, sabay yakap.

"Alex, please, hinding hindi ko iiwan si Lei, She has never missed out on my mind, and I can't risk losing her." seryusong ani ko pa. 

"Bakit ba gustong-gusto mo siya Jeau? bakit hindi nalang pwede na ipagpatuloy nalang natin ito? masaya naman-"

"Alex, kailan mo pa ba akong nakitang masaya?" saad ko at napatahimik nalang kami ng dumating ang dating boyfriend niya, may pasa ito sa mata at pisngi, pinabubog na naman ito ng ama ni Alex.

"Alex tara na" malumanay na boses nito.

"Where?" may pagtataka na aniya

"Saan mo siya dadalhin ha! You stupido ka! ikulong niyo yan!!!" sigaw mula sa kabilang direksyon na siyang palapit narin sa amin.

Palihim akong napadalaw ng kusa sa hospital para tignan si Lei,  pero hindi ko siya naabutan doon at itong isang kasama niyang ang nasa harapan ko ngayon. Si van. Nakapamulsa lang ito at ngumiti ng nakakaloko sakin, naghahanap ng gulo kumbaga. 

"Magaling kana pero bumabalik ka parin?" pagpipikon niya sa akin pero hindi ko na pinatulan pa.

" Asan si Lei?' tanong ko nalang pag-iiba sa usapan namin, napatagilid naman ang mukha niya sabay harap sa may likuran niya. 

" Wala siya dito eh, umalis ulit." saad nitong sumeryuso, tumango nalang ako at tumalikod sa kanya.  "Pinapahirapan niyo lang mga sarili niyo ano?' mababang boses nito. Ganon rin ang naiisip ko pero hindi ko alam kung paano at anong dapat gawin para makita ko pa ulit si Lei. Ang hirap niya ng hanapin nang magkasagutan kami. Ilang araw nalang o mga oras nalang ay tuloy na ang kasalan. Ayokong mangyari yon.

"Habang may oras ay hahanapin ko siya, habang hindi pa huli." ito nalang ang nabibitawan kong salita at kataga sa isipan ko ngayon. Kinakabahn ako sa bawat oras na lilipas. 

" Sa ngayon, hinahanap ka niya."  may kaunting gulat akong nararamdaman, hinahanap rin niya ako. Umalis na ako doon at nagsimulang hanapin si Lei sa lugar na  alam ko.  Napasandal nalang ako sa may malaking puno sa parke, gabing-gabi na at hindi ko pa nahahanap si Lei. Napatitig nalang ako sa mga taong dumdaan, may napapatingin pa sa akin, namumukhaan pero hindi ko sila pinanpansin  ngayon.  

" Lei, nasan ka na na" mahinang saad ko sa hangin. 

Dumating ang araw na kinatatakutan ko, ang ikasal. Nagtanong na ako kay Alexa kaninang madaling araw pero hindi ko siya macontact man lang hanggang sa dumating ang isang babae sa loob ng silid na pinapahingahan ko sa ngayon, naghahanda ng mga damit at make-up para sakin. Akala ko pupunasan niya ako sa mukha peroinabutan niya ako ng iang tissue.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon