KABANATA 162

234 14 7
                                    

Kabanata 162

________________


LEI P.O.V.


"Dockieee, invited po ba kayo sa wedding?" feeling close na usal ng isang nurse sakin na kababago lang dito sa field. "Balita-balita kasi Doc-"

"Manner....manner." malaking boses ni Van na papalapit sa ka grupo ko. Napapansin kong dritsahan magsalita ang mga bago dito kung makapagsalita. Simula noong kumalat ang isyu tungkol sa akin. Lumipas ang isang linggo ay balita-balita na hadlang ako sa kasalan ni Jeau. Dahil lang sa usapan namin ni Alexa.

"So-sorry Doc." Napamulat nalang ako sa katutuhanan na pinagalitan na pala ni Van ang isang nurse. Nakatalikod na ito at si Van nalang ang natira sa tabi ko. Una napangiti pa siya sa akin at sumeryuso ang mukha.

"Alam mo hindi mo na dapat intindihin yung mga kumakalat. Doctor kapa naman dapat nakafocus ka sa trabaho. okay?"

"Tss. Pakialam ko ba sa mga tao." walang ganang usal ko at hinawakan niya ang noo ko.

"Hanggang diyan ka nalang ba? Wala ka na bang ibang gagawin?" Tila umalingaw-ngaw sa akin ang huling sinabi niya, hindi ko naman alam kung para kanino yon pero si Jeau ang naisip ko.

Kalat na sa social media ang pangalan ko pero hindi naman ako ganon kasikat kayat hindi ko pinapatulan ang galit ng mga tao sakin. Ako ang ginawang hadlang sa kasalan na magaganap ayon sa Newspaper na nabasa narin ng kasamahan ko. Kahit pumunta pa ang mga reporters dito ay hindi parin ako magsasalita.

"Maraming lumalaban sayo Lei, especially our batches. Saksi sila sa inyo ni Jeau dati eh." paliwanag niya.

"Ahh.." tipid na reaction ko at iiwan na sana siya ng magsalita pa ito sakin.

"Ganon nalang ba yon? Hahayaan mo lang?" napakunot akong nagpatuloy sa paglalakad pero patuloy parin siya sa pagsasalita. "Ilang oras nalang mawawala na yong taong yon. Lei, huling pagkakataon mo na ito."


"Bakit ganyan ka Doc. Van?" mahinang saad ko kanina pa siyang nangungumbinsi sakin.

"Dahil kailangan mo ring lumaban!" humarap ako sa kanya at doon siya napangiti. "Stop being idiot Lei, pinaglaban ka niya kaya oras naman na ikaw rin ang gagawa ng aksyon."

"Wala ng ora-"

"Kung meron ba, gagawa ka ng paraan mabawi si Jeau?" aniya at umayaw ako. Ayoko na kasi tanggap ko naman.

"Sinimulan mo na Lei, tapusin mo na." aniya at nagsimula akong kabahan, ito na naman. "Pag..paagkinasal yon habang buhay kang magsisisi, at least gumawa ka ng paraan diba?"

Natauhan ako sa nasabi niya at unti-unti akong kinabahan ulit. Paano ko gagawin naman yon?


Napatitig ako sa hagdanan na puno na ng rosas at hindi ko kung tapos naba o nagseseremonya naba. Nasa gitna na ako mismo ng altar pero tapos pala ang celebrasyon, sa ganitong oras ay nasa venue na sila.

"Maam? late na po kayo" saad ng isang lalaking parang nagtratrabaho sa simbahan. Tumango nalang ako at napatingin sa altar, tapos na. Wala rin palang saysay kahit gawin ko man ang lahat para kay Jeau. Panahon na ang nagdesisyon samin.

Umupo nalang ako saglit at nagdasal bago tumalikod sa simbahan, wala na akong ibang ideya kung saan pa ang venue nila wala narin saysay pa itong pagpunta, ang sakit ng isipin ayoko ng pumagitna pa sa taong wala na.


Pinara ko ang taxi, hindi na ako gumamit ng kotse kanina ng magmadali ako. Napahinto ako sa pagpara ng makita ko ang papa ni Jeau.

"Parang late kana Doc."

YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon