KABANATA 134

509 43 7
                                    


Kabanata  134


LEI P.O.V.



"O bunutan na tayo!" Asik ng isang kaklase namin na diko matandaan ang pangalan.



"Bunutan ng ano?"


"Bunutan ng ngipin mo since bagang lang naman ang natira sayo!"



"Hoy!"



"Lol! Di masarap kabonding."



"Char bunutan nga kasi! Ito na oh!" Usal niya pa sa harapan hawak ang grapon na may maliit na papel.




"Ay o!!! Christmas party!!!"



"Linya lang linya! Wala si Miss kaya tayo nalang gumawa busy sila eh!."



"Gors!" Nagsilinyahan na ang lahat at nagpahuli nalang kami ni Hashmin sa paglinya dahil nasa panghuling upuan naman kami. Nang ako na ang makabunot ay walang pilipili at diretsong kumuha at umalis.




"Psst sino sayo Lei?" Tanong sakin ni Hashmin ng makaupo na kami. Napailing ako at binigay sa kanya ang maliit na papel.



"Diko kilala to."




"Ano! Naloko ka naba! Gragraduate na tayo dimo man lang kilala kaklase natin!?"



"Kilala mo rin ba sila lahat?" Pambawing tanong ko at napangisi siya ng tipid.




"Namumukhaan lang naman." Natatawang sagot sakin.



"Isa ka rin naman pala."




"Ganito nalang sa may christmas tree nila dinidikit ang mga gusto nila na regalo parang nagpaparinig at magbigay ng wishlist sa nakabunot sa kanila doon mo siya makikilala tsaka sa party hindi naman tayo ang magbibigay kaai numbering ang gagawin sa mga regalo." Paliwanag niya at tango lang ang tugon ko.




"Sa fieldtrip nga pala classmates!" Usal muli ng nasa harapan. "Pagkatapos ng party ay dapat nakahanda na tayo para sa trip good for two nights lang naman at siguro by 23 makakauwi na tayo para makapag-celebrate ng christmas sa family natin."



"Naku!! Saan na naman yang fieldtrip!" Maarteng tanong ni Cherry.



"Bundok! Maraming activities na gagawin kaya wag kayong mag-alala at makakasama natin ang boung grade 12 kaya mas exciting mas masaya!."




"What!!! You mean!!! Ang Extreme!!!!"



"Si Gravador!!"


"Si Kurt!"


"Stanly at Lindon? Makikita at makakasama na natin silang matulog!" Nagsisitilian na usal nila at napailing ako ng lihim ng banggitin nila ang pangalan ni Jeau pero nagsitinginan naman halos sakin ang lahat at umiwas ng matignan ko sila.



"Except kay Martinez." Maarteng pagkabanggit ni Cherry at umirap sakin.



"Nandoon rin si Teves!!!"

"Oo si Teves!!!!"


"Whaaa daming gwapo sa batch natin!"



"Inggay niyo naman Cherry puro kayo gwapo!" Asik ng isang lalaki mula sa likod.



"Inggit kalang Jonel!"



"Ssshh shhh magsitigil na kayo baka mapagalitan tayo ng visitor na nagsusurvey ngayon." Paalala samin ng kaklase ko hindi na kailangang tanungin dahil pakiramdam ko siya ang president ng section namin.




YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon