KABANATA 93

700 61 10
                                    



Kabanata 93






________________





LEI P.O.V.







Di ko alam kung ako lang to pero kakaiba ang kilos ni Jeau, diko alam kung ako lang ang nakakapansin o siguro praning lang siya?. Nang magkatitigan kami sa canteen takot siya sakin kahit di naman ako nanganga-gat.





"Psst Lei! Nakatitig sayo si Jeau oh!" Ani ni Hashmin sabay paharap niya sakin sa may pintuan ng classroom, nagkatitigan kami. Normal lang naman yon dahil minsan narin kaming nakatitigan noon pero ito na naman siya masyadong pahalata sa kapraningan. "Ay tumalikod! Parang crazy." Maarteng sabi ni Hashmin matapos talikuran nalang ako ni Jeau. Nagkatitigan naman kami saglit ni Monica pero umiwas siya sakin.




"Anong tinititig niyo sa labas Lacsamana! Alfonsi!" Sigaw ng Sir Bimboo sa klaseng P.E. humalukipkip lang ng ngiti ang katabi ko habang inis na sa kakadiscuss si Sir sa harapan.




"Standap!!!" Sigaw nito na napapaos. At napapakamot sa sentido nalang si Hashmin ng makatayo kami at may binulong pa siyang kaabnormalan sakin.




"Ang highblood naman ni Sir..baka stress kagabi..saka paos pa. Napano kaya." Mahinang sabi niya medyo napakunot ako sa noo sa nasabi niya pinipigilan kong huwag tumugon dahil nakatitig lang samin si Sir.




"You! Matalinong apo ng Laurente! Magbigay ng halimbawa ng Natural Materials!" Giit ni Sir sakin. Hindi ko alam ang isasagot.




"Sagutin mo na Lei." Mahinang bulong ni Hashmin, ang babaeng may pakana sa lahat. "Saan na yung talino mo Lei?"



"Hindi ako matalino, nag-aaral lang ako. Hindi pang-P.E. ang mga tanong niya." Mahinang sabi ko rin.



"Lacsamana! Ang apo ng Hapon!, ikaw ang sumagot." Giit ni Sir Bimboo sa kanya at napasulyap naman sakin ito.



"Plants and animals." Hindi siguradong sagot ni Hashmin kay Sir na nagbigay ideya at kaparehas sa magiging sagot ko. Nang makaupo si Hashmin ay doon narin ako nagsalita.





"Fossils, pollen and soils." Paninigurado ko sa mga sagot. Alam kong tama nato hindi ko lang maalala kung di dahil kay Hashmin.



"Why?" Paninigurado ring usal ni Sir sakin. Napaisip ako kung anong subject ang tinatalakay niya at pinagtutukma ko ang mga katanungan at sagot.




"Prehistoric Archaeology." Tugon ko at napatango siya animoy inaasahan niya na iyon. "Study of remains of cultures that existed before the time of written records."




Pumalakpak siya at ngumisi sakin. "You! Ikaw ang magiging representative ko sa subject ni Sir Gajano." Masayang usal nito sakin."Be ready sa next day Alfonsi! Simula palang ikaw na ang inaasahan ko." Giit niya pa.




Nang makauwi na ako ay naabutan kong tulala si Jeau sa may sala. Nakadilat mata animoy may kausap na hindi ko nakikita. Sumandal ako saglit sa may pader para saksihan kung nasasapian naba ito o ano, mas nagiging wierdo pa siya kesa sakin.



"Wala akong gusto...wala...wala..wala nga."  Anito na ikinailing ko nalang. Akala ko mas magiging matured na siya ngayong madagdagan na ang edad niya pero taliwas pala.






"Sino bang magkakagusto sa kanya! Sa gwapo kong to!? Sa sobrang sikat ko! At yaman!? Sa kanya pa? Hindi! Hinding hindi yon mangyayari!" Sigaw niya naman at wala akong magawa kundi ang pakinggan siyang nagsasalita mag-isa. "Kahit pa magmakaawa ang lupa at langit ay hindi ako magkakagusto sa kanya!"




YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon