KABANATA 50

800 59 26
                                    

Kabanata 50

Mas MAGANDA kung e-play niyo song sa taas para mas mafeel niyo pa ang chapter na ito hihi! (River flows in you)

______________

JEAU P.O.V.

Ang matagal niya ng tinalikuran na talento?

Nagsimula na ngang niyang galawin ang mga kamay niya sa hawak niyang violin at nagtugtog sa harapan. Ang dating nagrereklamo na manunuod ay naging tahimik narin.

Sa nakikita ko ay nanginginig ang kamay niya. Hindi ba siya sanay para kabahan siya dito?.

"Ngayon nakikipaglaban siya sa trauma dala ng musika." Saad ni Lindon, hindi ko siya tinignan pero nanatili akong nakikinig sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sinasabi pa to ni Lindon sakin pero ganon niya ba kakilala si pangit?.

"Lindon, bakit kilalang-kilala mo siya?" Sa wakas naitanong na rin ni Kurt ang nasa isip ko ngayon.

"Hindi naman ganon katahimik si Lei kung nasa mga kaibigan siya. Kung titignan ang bawat reaksyon na pinapakita niya ay maiinis ka nalang ng walang dahilan at mapapaisip ka na wala siyang kwentang kausap. Simula palang ganyan na talaga ang pag-uugali niya."

Napatingin ako kay Lindon na ang mga mata ay kay Lei lang nakatuon. Ang pwesto kasi namin ngayon ay iniharap talaga ang mga upuan namin sa intablado para hindi na mangangalay ang leeg namin sa kasusulyap, nasa likuran ko nalang rin si Monica at katabi niya si Calvin at Stanly habang ako ay si Lindon at Kurt.

"Wala naman talaga! Ni wala nga yang respeto nasobraan ng sa pagiging tahimik!" Mahinang reklamo ko. Nasabi ko lang yon para mainis si Lindon pero parang pareho ata sila ni pangit! Mga walang emosyon!.

Binalik ko agad ang tingin kay pangit na parang may napansin sa kanya. Sa bawat tugtog niya sa violin ay may mali.

Ngayon ko lang ata siyang nakitang palihim at tahimik na...sumisingot?.

Ha! May ganito pa pala siyang reaksyon!? Akala ko ba pagiging tahimik at tango lang ang alam niya?.

"Ngayon ang death anniversary ng mama niya." Usal niya pa at nanlaki ang mga mata ko sa gulat!. Kahit sina Stanly sa may likuran ay napalapit sa amin ang ulo para makinig.

"Ano!?" Naging reaksyon ko dala ng gulat. Eh yung kaunting handaan sa bahay namin ni lola ay para yon sa mama niya!? Akala ko ba sa birthday yon pero para sa patay na pala!?.

Parang bumalik ulit ang mabigat ulit ang pakiramdam ko! Ni kahit ako ay hindi maintindihan. Sa tagal naming hindi magkaintindihan ay ngayon lang ako nakakarinig ng kwento tungkol sa buhay niya.

Meron sa loob-looban ko na gusto kong makinig ngayon, hindi naman sa pagiging interesado pero gusto ko ring malaman ang sa likod ng pagiging misteryuso niya sa amin!.

Pabalik-balik lang ang tingin ko kay pangit papunta kay Lindon sa tuwing magsasalita.

"E-eh..Bakit sabi ni lola na kaarawan daw ng mama ni pangit noong--" ako na ang pumutol sa sasabihin ko! Muntikan ko pang masabi sa kanila na may malaking koneksyon kami ni pangit lalo na sa bahay.

"Siya lang ang may alam sa lahat niyan, buhay niya yan kaya siya ang pwedeng magkwento Lindon." Sabat ni Calvin na nakatitig lang rin sa stage kung saan ay si pangit ngayon ang sentro.

Maganda ang bawat tugtog niya na ang dating maiingay kanina na handa sa discuhan ay nagiging tahimik lang nakikinig.

Pilit ko mang itago ay hindi ko maiwasan na magustuhan ang naririnig ko ngayon. Magaling nga siya.

YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon