KABANATA 45

647 58 19
                                    

Kabanata 45




_________________



LEI P.O.V.





Hindi tumagal ay dumating na nga ang hapon at hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapagpractice sa gagawin ko.


Maagang nagsiuwian ang mga estudyante para makapaghanda narin para sa darating na okasyon ngayong gabi.



"Sinong magme-make-up sayo?" Rinig kong tsismisan sa likuran namin ni Lacsamana habang papunta na kami sa parking area. Napatitig ako sa dala kong paperbag hindi ko rin maiwasang makinig sa likuran.



"Syempre ang isa sa pinakasikat na make-up artist sa bansa natin."




"Ang ganda naman non? Magkano?"



"Si Daddy ang umasikaso eh but as I heard nasa 20k ata."



Tahimik lang kami ni Lacsamana hanggang sa umabot kami parking area nang maalala ko na sabay pala kami ni Martinez.




"Narinig mo yon!? Ang mahal!" Reaksyon niya. "Alam mo yon!? Yung ang mahal na ng bayad sa pagme-make-up pero hindi ka parin gumaganda." Reklamo niya pa.



"Ingit kalang siguro." Tipid na ani ko at napasandal nalang sa pader.




"Hindi ah! Kasi meron si Bridgette!" Asik niya na saktong kararating ng isang babae.




"Ahm. Nalate ako? So tara na?" Kahit kailan ay mataray parin siya magsalita at siya pa ang may balak na manguna sa alis kung late naman siya.




Napatingin siya sakin na nakataas kilay at malditang nakangiti, ngiti na walang halong kaplastikan.





"Ang uniform ko?" Aniya.




"Nagtatanong ka palang, pabalik ko na." Diretsang sabi ko at tumango lang siya, hindi ako sanay makikipag-usap sa kanya.




"Tara na! "Aniya.



"Kailangang hintayin si Kyuhan!" Usal ni Lacsamana at tinuro naman ni Bridgette ang puting Van.



"Nasa loob na siya, naghihintay satin kaya lets go" aniya at nagsilakad naman sila nang mapahinto si Lacsamana at nilapitan ako.




"Sumama ka samin!"aniya.



"Hindi pwede. Baka hanapin ako ng mga Ma"



"Ng?" Kunot noong ulit niya.



"Basta. Dito lang ako."



"No, no, sumama ka samin para maayusan rin kita and you know magaling ako sa make-up kaya wag kang aangal!" Asik ni Bridgette. Hindi na ako nagreklamo sa kanila dahil nahila na ako ni Lacsamana papasok sa loob ng Van.

Nasa may bintana ako pumwesto at katabi ko si Lacsamana habang sa may likuran naman ay si Bridgette na pagudpod sa katitipa ng cellphone niya. Napansin ko rin si Kyuhan na nakaupo sa kabilang bintana kay Bridgette at nagpupunas sa eyeglasses niya habang nagbabasa ng isang makapal na libro.




Nang iandar ng driver ang makina ng sasakyan ay nagsalita ako at sinabi ang isang lokasyon.




"Hihinto ka?" Usal ni Lacsamana sa akin at tumango ako.




Nasa iisang daan lang ang uwian namin kaya madali lang madaanan ang bahay ng mga Martinez.





Nang huminto, ay sinadya ko talagang sa may unahan ako bababa para hindi nila mapansin na sa gate ng mga Martinez ako papasok.



YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon