KABANATA 106

574 64 4
                                    

Kabanata 106




________________




LEI P.O.V.





"Handa kana para mamaya?" Huling sabi ko kay Jeau na gusto ng pumikit sa antok. Alas kwatro na at nag-aaral parin kami. Matagal siyang napatango na parang bata kung makakilos. Itinabi niya ang reviewer namin at tumabi sa upuan ko at niyakap ako, bagay na hindi ko inaasahan.



"Goodluck para satin babe, kayang-kaya natin to. Saka magaling kang mentor para sakin madali akong nakakaintindi. Sana huwag ka nalang umalis pagdating ng panahon." Huling sabi niya ng maipikit niya na nga ang mga mata niya. Nakaramdam ako ng awa sa kanya sa hindi alam na kadahilanan pero sa kabila naman yon ay ang saya na sa wakas ay may napapansin na akong pagbabago sa kanya.




Nakapiling ako sa may lamesa at nakatitig lang sa kanya na mahimbing natutulog. Lihim kong sinusuklay ang buhok niya at napakagat labi. Hindi ko sinadyang maging ganon ang gagawin ko. Labag iyon sa kalooban ko, napaiwas nalang ako at balak siyang iwan nalang pero napahinto rin ako sa paglalakad. Hindi ko ata kayang iwan nalang siya ng ganito.





Bago ako bumalik sa pwesto namin ay kumuha ako ng isang kumot na dala niya kahapon at nilagay sa likuran niya. Nakadikit lang ang mukha niya sa lamesa na wala ng pakialam kung ano paman ang magiging itsura niya. Nilagyan ko ng unan ang mukhang nakadikit sa lamesa at pagkatapos ay minamasdan ito. Tama ang sabi ng marami.




Hindi sila magdadalawang isip na magustuhan ang ganitong klaseng anyo ng nilalang. Aaminin kong may karisma siyang dala at kahit ganito ang itsura niya ay di parin mawawala ang taglay niyang kagwapohan. Swerte ang babaeng makakasama nito at maganda ang magiging bunga.




Sa pagmamasid ko sa boung mukha niya ay lahat na ata ng porma sa mukha niya ay kabisado ko na. Mula sa makapal niyang kilay na sakto lang rin at ilong na pang-Martinez lang talaga pinagkaloob, sa labi na sobrang nipis na may maliit palang lunal na hindi mo mapapansin sa sobrang liit na parang isang tuldok lang ng ballpen. Hindi rin ganon kahaba ang pilikmata niya at sakto lang rin ang pisngi niya, hindi makakailang maraming nagkagusto sa kanya.




Nang maramdaman ko ang antok ay doon na ako nakatulog, hindi na alintana kung magkaharap kami ni Jeau ng mukha. Nakakangalay ang matulog na nasa upuan lang pero dahil nandito siya ay sasamahan ko nalang muna.





JEAU P.O.V.




Pagdilat ko isang pamilyar na mukha agad ang nasilayan ko! Sino bang hindi gaganda ang umaga! Asawa mo na ang kaharap mo! Abay kay gandang umaga nga naman!. Nakangiti lang akong nakatitig sa mukha niya. Gusto ko nalang hindi pumasok at tignan lang boung maghapon ang babaeng gusto ko pero! Panirang alarm clock sa tabi namin na pabigla-bigla! Dahilan para magising si Lei at napakamot sa ulo.





Alas singko na at kailangan na naming magbihis. Bawal ang late sa Laurente.




"Morning Loveybabe!" Masigla na bati ko sa babaeng napahikab.



"Loveybabe? Ang corny." Reklamo niya bago tumayo sa pagkakaupo at iniinat-inat ang mga binte siguro sa pangangalay niya. 




"Eh ang cute non e! Love kita! Only you! Babe! Kaya Loveybabe!" Masiglang sabi ko na tumayo narin ng bigla akong matumba at madapa sa sahig. Napalunok at napapikit ako sa sakit ng pagkakatumba ko na bigla naman akong pinatayo ni Lei. Hindi ko rin alam kung paano niya ako nabubuhat ni hindi ko nga maigalaw ang sarili parang nawalan ako ng lakas.




Pinaupo niya ako sa may maliit na sofa malapit sa pintuan at doon ako napasandal.




"Anong nangyari sayo?" Mabilis na sabi niya at napailing ako.




YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon