KABANATA 96

693 63 9
                                    

Kabanata 96






______________






JEAU P.O.V.





Nagsimula na akong kabahan ng mapaamin ako sa kanya ng diretsahan. Nakatingin lang siya sakin diretso sa mismong mga mata ko at hindi man lang namimilik-mata dahilan para mas umiba ang tensyon ngayon!. Napapalunok at  parang nararamdaman niya na ang kaba at di mapakaling mga kilos kaya nagpanggap nalang akong masakit ang batok at lumayo sa kanya ng kaunti.




"Ah..este hindi kita gusto!, hindi ako magkakagusto sayo pangit mo eh." Sa wakas at nasabi ko narin!. Alam ko na hindi ko siya basta-basta magustuhan! Ilang araw lang ang dumaan sa nangyayari samin ni Monica kaya imposible na masasapawan niya lang ng ganon kadali!.



"Mabuti naman." Tipid na sabi niya sakin at nakapamulsang umupo sa bench sa may gilid. "Naguguluhan kalang. Siguro ang hindi mo nakikita kay Monica ay nakikita mo na sakin dahil sa malungkot ka."




"H-ha?" Nasabi ko nalang. Kung tutuusin kasi mas siya pa ang maraming kulang kesa ni Monica pero kahit na! Ayaw parin tanggapin ng isip at puso ko ngayon ang binitawang salita ko kanina...parang nagsisisi ako.




"Malabong magkakagusto ka sakin Jeau dahil kung nagustuhan mo man ako ay mararamdaman ko rin yon. Malakas ang pakiramdam ng babae kesa lalaki kung pag-uusapan ang ganito." Aniya at parang hindi pa ako kumbinsedo sa sinabi niya! Iba kasi ang naiisip ko pero kahit papano ay kumalma narin ang puso ko at nakapag-isip na ng tama.

"Hindi mo maramdaman kasi wala ka namang pakialam." Mahinang reklamo ko na dinampot ang isang bulaklak sa gilid dahil sa wala na akong mapaglilibangan!.




"Siguro. Wala naman talaga" Walang ganang sagot niya na nadikwatrong nakaupo sa bench at nakakibit balikat pa. May kung ano sa pakiramdam ko na kumikirot ng dahil lang sa sinabi niyang yon. Napatitig lang ako sa porma niya, napaka-astig niya tignan at nakakatindig balahibo ang titig niya pag nagseseryuso!.


"Nga pala. Bakit mo sinisisi si Calvin?" Naging tanong niya at napailing nalang ako. Bumalik na naman ang inis ko at parang naiimagine ko na ata ang ginagawa nila kanina, the way na binibigay ni Calvin ang P.E. uniform kay Lei. Paano kung nagkaholding hands pa sila!? Teka bat naman ako magagalit.


"Wala lang. Nagkamali lang ako." Matamlay na sabi ko pa. Siguro ay masyado lang akong nag-iisip ng marami at advance kaya ganito ang nangyayari samin. Sinabihan ko na siya na hindi ako sigurado sa nararamdaman ko kaya ayokong aminin ng tuluyan. Parang wala lang naman ni Lei ang sinabi ko kanina, ni reaksyon niya ay wala akong mabasa at maramdaman.

"Si Calvin. Matagal na kaming magkakilala hindi lang kami nagpapansinan dahil sa mga nangyayari." Pabiglang kwento niya para marinig ko!. Seryuso lang siya animoy iniisip pa ang nakaraan!. Ayokong si Calvin ang kwenekwento niya! At..ayoko ring marinig ang pangalan non!.

"Alam ko na lahat! Dimo na kailangang sabihin sakin!" Napangusong usal ko at sinulyapan siya sa huling pagkakataon. "Alis na ako." Tipid na usal ko bago naglakad palayo doon. Ayokong umamin! Hindi pa ako sigurado! Paano kung magsisisi lang pala ako?.



Hindi na ako bumalik sa gym at dumiretso na sa classroom hindi na rin ako nagpalit ng damit at tanging P.E. uniform lang ang sout. Hindi ko maitago ang pagmamaktol at inis ko sa mga katabi ko na kahit sila ay napapatanong rin kung anong nangyari sakin!



"Napapansin na kita pre. Lagi kang galit." Usal ni Stanly

"Hindi mapakali." Si Lindon.


YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon