KABANATA 35

662 59 1
                                    

Kabanata 35


_______________




JEAU P.O.V.





Naisipan kong puntahan ang magiging kwarto ni pangit. Tinanong ko si Krisha isa sa katulong namin at nagulat ako na magkatabi lang pala kami kwarto!



At talagang pumagitna pa siya.




Nakapamulsa akong umakyat at walang katok-katok na pumasok ako.



Naabutan ko siyang nakatayo at nakatingin sakin. Naalala ko naman ang sinabi sakin ni lola. Hindi ko siya ganon kakilala.



Masama lang ang binigay na titig ko at lumapit ng kaunti sa kanya.



Tamad lang siyang nagmamasid sa mga bawat kilos ko ng may hawak akong papel at ballpen na agad ring binigay sa kanya.



Nakatitig lang siya sa nilahad ko kaya medyo na nainis ako. Parang ang tanga lang!.



"Hindi mo tatangapin!?" asik ko sa kanya.



"Ang para saan?" tipid na sagot niya at napapikit nalang ako.




"Gagawa tayo ng contract! Contract sa mga rules ko bilang amo mo!" asik ko at rinig ko ang pagbuntong hininga niya.




"Sa pagkakaalam ko hindi ikaw ang amo ko. Isa kalang sa mga dapat kong gawin dito." Matamlay na aniya at padabog akong lumapit sa may maliit na study table niya malapit sa terrace na bintana at doon ako na ang nagsulat para sa sarili ko!.





"Ayaw mo!? Pwes ako ang gagawa!" reklamo ko at nagsimula ng magsulat sa mga gusto at ayaw ko pero mabilis pa sa alas kwatrong hinawakan niya ang ballpen na hawak ko!
"Ano ba!"




"Kailangan paba yon Martinez? Kung pwede namang wala. Hindi naman kita didistu--"





"Damn pangit! Ako ang gagawa ako ang magplaplano! Isusulat ko dahil balang araw may ilalabag ka sa mga rules ko!" Putol ko sa kanya.



Kinuha niya ang papel at siguro ay nabasa niya na ang ilang nakasulat doon saka niya ibinalik sa akin.



Tumayo ako at nagsimulang magpaliwanag sa kanya, siguro naman ay alam niya ang mga ibig kog sabihin.




"Makinig ka para hindi ko na ulit-ulitin pa to!" Asik ko at tamad lang niya akong pinasadahan ng sulyap. "Una! Bawal kang lamapit sakin pag nasa Laurente na tayo! Dapat walang makakaalam na nandito ka sa pamamahay ko!"




Hindi naman siya nagreklamo at nagpatuloy na ako sa sasabihin ko.



"Pangalawa! Huwag mo na akong turuan! Kaya ko ang sarili ko at hindi ako aasa at manghihingi ng tulong lalo na sayo dahil alam ko na ang lahat! Kung magtatanong si lola Wa sayo magsinungaling ka nalang!"



"Pangatlo!" huling rule na nakasulat sa papel "Huwag na huwag mong sasabihin kay lola Wa ang mga nakikita at nalalaman mo sa Laurente tungkol sakin! Hindi kita alalay! Wala akong paki sayo!" asik ko.




Doon siya sumulyap ng konti sa akin. " Anong gagawin ko kung ganon?" tipid na tanong niya na ikinangisi ko.




"Simple lang pangit" putol sa sasabihin ko at lumapit sa kanya para ibigay ang papel na may pirma ko na "Wala ka namang gagawin kaya bahala kana sa buhay mo."



Nakatitig lang siya sakin ng seryuso na pinag-aaralan pa ang bawat galaw ko.




"Ayaw mo pa non? Wala kang gagawin at libre kapa ng pabahay at pagkain di--"




YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon