KABANATA 154

592 31 27
                                    

KABANATA 154

____________


JEAU P.O.V

Hindi ko nagustuhan ang sinabi sakin ni Lei kanina. Yung buong-buo yong tiwala ko na gagaling tapos yon lang sasabihin niya. Palibhasa hindi naman siya nasasaktan.

Wala akong mukhang ihaharap para kausapin siya sa nakaraan. Hangga't maari ay ayokong pag-usapan lahat yon nasaktan ako at nasaktan rin siya.. siguro. May asawa na siya ano paba ang babalikan? Sorry niya?

"Ex mo parin iniisip mo ano Jeau!?"Malakas na bulyaw ni Boss sakin ng pakainin at bigyan ko siya ng tubig. Napailing akong umayos sa pwesto ko at tinakpan ang flask. Pwede pa siyang pakainin ngayon pero sa susunod at malaking operasyon kay kailangan niya ng magfasting. Hindi man lang nagpakita si Lei siya pa naman ang pinili ni Boss para mag-alaga dito.

"Ano naman kung siya nga?" Asik ko na minasama ang tingin ko.

"Alam mo ba may sikreto ako. Gusto mo malaman?" Panunuya niya at buntong hininga akong lumayo sa kanya at pumunta sa may maliit na sofa.

"Ang liit ng sofa dito."

"Iniiba ang usupan ng loko! Sikreto ko nga kasi-"

"Bilis sabihin mo ang bagal!" Inis kong sabi, inaantok ako sa pagod wala pa akong tulog tapos binibebe tayo ng taong ito.

"Malungkot ang taong iniisip mo ngayon!" Usal niya pa at napakunot noo ako. Umidlip. "Balita ko 3 days ng walang tulog mga doctor dito ngayon. Gusto mo tabi kayo saglit?"

"Wala akong pakialam at mas lalong wala akong iniisip." Sita ko at natulog nalang kasama sa pagbabantay  niya. Pagkagising ko ay boses ni Boss na ang rinig ko, mula sa hospital bed na hinihigaan niya.

"Meeting kayo ni Sir Joao. Isang oras nalang ihahanda mo. Yung report na isusubmit mo ayos na ba?" Manager na manager na boses niya at doon ako napabanggon.

"Hindi ko pa nagawa." Bagong gising na sagot ko at napasigaw siya sa sagot ko. Pinaalala ko sa kanya na may sakit siya at magdahan-dahan sa kilos niya baka kasi nakalimutan niya pa ito. Kumalma naman siya sa paalala ko at nagpaalam narin sa kanya na aalis ako at babalik bukas ng umaga.

"Saan ka matutulog?" Tanong niya nang hindi ko pa mapihit ang pintuan palabas.

"Sa bahay ni papa."Mahinang sagot ko at alam kong alam niya na ayaw kong matulog pa doon pero hindi naman naghanap ng dahilan si Boss kaya tuluyan na nga akong umalis.

Pagkababa ko sa mismong hagdanan palabas ng hospital ay napahinto ako. Hinanap ko pa talaga ang garden ng hospital na ito para magpahangin kahit amoy alcohol naman talaga ang bawat sulok sa lugar na ito.

Napatitig ako sa isang lantang bulaklak sa hindi kalayuan, imbes na magpahangin ako ay bumabalik sa akin ang nakaraan dati. Ang pang-iiwan lahat ng mahal sa buhay ko nawala sakin, ayokong pati si Boss aalis rin.

Napaupo ako sa maliit na bench sakto pang dalawa katao lang ang makakaupo at nang papaalis na ako ay saktong pagdating ni Lei sa harapan ko, hindi namin napansin ang isat isa una.

Alinlangan akong napatayo sabay paupo sa kanya aalis naman rin ako.

"H-hindi na. Nagpapahangin lang naman doon lang ako sa kabila." Matamlay na sagot niya, nagbago bigla ang kilos at pananalita niya sakin ngayon.

YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon