KABANATA 63

589 49 3
                                    

Kabanata 63


________________


LEI P.O.V.


Wala akong choice kundi matulog sa bakante ng kama, napagitnaan lang kami ng pusa. Pagod ako. Anong gusto niyang mangyari lilipat ako para sa kanya? Saan naman?. Wala lang naman sakin kung tatabi ako. Ayoko rin na gisingin pa ang taong tulog, mas mabuti pang gisingin ang lasing kesa aa taong tulog. Tsaka wala akong pakialam sa kanya, malaki ang kama kahit tatlo katao pwede na dito.



Tahimik lang kong ipinikit ang mga mata ko at matuwid lang na nakahiga at ang mga kamay ay nasa may dibdib lang bago ako tuluyang nakatulog.


Kinabukasan naramdaman kong nawawalan na ako ng hininga at para akong sinasakal. Napadilat ako at kunot noong napatingin kay Martinez na mahigpit napayakap sakin. Napaiwas ako ng tingin sa maamong mukha niya. Dahan-dahan kong inalis ang pagkakahawak niya sakin sa may balikat ko pero nagulat ako ng mabilisan niya pang pumalag at mas niyakap pa talaga ako. Napalunok ako ng bibig sa bibig na talaga ang agwat namin ngayon. Pilit kong nilalayo ang mukha ko sa mukha niya. Mabuti nalang hindi talaga ganon ka dikit ang pagyakap niya sa katawan ko dahil sa pusa na naiipit narin parang maluluwa na ang mata sa bandang tiyan ko.





"Martinez.." mahinang pukaw ko pero hindi man lang nagising. Hindi ko magalaw ang mga kamay ko dahil nayakap niya na rin. Pigil hininga ako sa ngayon naiilang narin ako sa ginawa niya.




"Lovey.." mahinang ungol nito na ikinataas ng kilay ko. Bwesit kung ganito pala ang mangyayari sa pag-gising ko sana pala hindi na ako natulog dito at sa may sala nalang ako.



"Martinez." Diin na sabi hanggang sa sumigaw ang pusa sa may bandang tiyan ko. Hindi na kinaya pusa ang pagkakaipit niya at mabilis nakawala ito sa amin. Irap akong naghintay kung kilan magising siya.



Para akong nawalan ng tinik ng makadilat si Martinez at saktong nagtama sa amin. Ibang klase rin to matulog wala man lang muta.




Bilog ang mata niya sa gulat at mibilis akong binitawan sa pagkakayakap at napalayo sakin. Parang nagkapalit ata kami ng reaksyon. Siya ngayon ang napatakip sa kumot at nasa mukha ang gulat.



"Bakit ka nandito!!?" Asik niya at kalmado akong bumangon sa at napahiga sa headboard.



"Nandito ka sa kwarto ko Martinez."


"Ha! Ang swerte mo naman para tumabi sakin! Dapat hindi ka tumabi sa akin!" Asik niya at umusog-usog pa para makasandal sa headboard. Napangiwi nalang ako sa nasabi niya.


"Ang swerte mo naman para gisingin kita..nang-uutos ka?" Walang kwenta na sabi ko at mabilis naman siyang sumagot.



"Abay! Eh..ang pusa!" Aniya at hinanap gamit ng mata ang pusa pero nasa may bintana na ito nakatingin lang sa amin na nagbabangayan. "Nang-uutos ka rin naman kahapon ah!"

"Huwag ka ng magsalita Martinez kung di kapa nagmumumog nangangawit na ang bunga-nga mo.."


"Ano!" Giit niya na nakakunot ang noo. Titig lang ako sa kanya ng mapataas kilay ako sa naging reaksyon at porma niya. Nakatakip parin siya ng kumot at namumula ang pisngi?.



"Magtoothbrush kana nakakapanghina ang bibig mo." Tipid na sabi ko na tinitigan ako ng masama bago nagpadyak paalis sa kama.



"Anong oras ka nakauwi kagabi?" Hindi ko inaasahang tanong niya. Tumayo na ako mula sa kama at inayos ang higaan habang siya ay nakatayo lang sa may gilid.




YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon