KABANATA 152

315 22 11
                                    

Kabanata 152

__________

LEI P.O.V.

"Maganda dito ano Doc Laurente?" Napalingon ako kay Doc Van ng ilingon niya ang kanyang mukha doon sa isang restaurant. Napatikom ako at ngumiti nalang. Hindi ko ba nasubukan dito. Ngayon ko lang rin nakita ito.

"Diyan?" Usal ko nalang nang maglakad kami kasama ang dalawa naming team.

"Ay maganda diyan Doc!!"

"Yes lets try there guys!!"

Napahinto ako sa sliding door mismo ng restaurant at napatitig sa gilid nito. Napatitig nalang ako hanggang sa tabigin ako ni Van at hinawakan ang kamay ko bigla.

"B-bakit doc ?" Kinabahang usal ko sa lapit ba naman ng mukha niya sa publikong lugar.

"Anong nangyari sayo?" Simpleng tanong niya at napakunot noo ako.

"Wala naman ano nakatitig lang ako sa po-" pinutol ko ang isasagot ko at ng mapansin na sa kamay ko pala siya nakasulyap. "Kanina yan, nahiwa lang ang pulsuhan." Sagot ko at bigla siyang lumayo saglit. Hindi ko maintindihan minsan takbo ng utak ng taong ito.

"Pasensya na doc ." Tipid na saad niya at tumingin sa di kalayuan na lugar bago humarap sa akin " Yang sugat mo.. gamutin natin yan mamaya." Mababang boses na sabi nito.

"Ases! Mga Doc? Ano ba tumabi nga kayo!?" Reklamo ng kasama namin. Matapos makaupo sa napiling table ng team ay hindi kami ganon kaingay kumain sanay kami sa mahihinang usap-usapan lang.

"Oy dito rin pala sila kumain"

"Sino? Ah yung sikat na vlogger?"

"Hindi Doc, sina Martinez!"

Napalunok ako at hindi mapakaling napapunas sa kamay ko nang matapos ito sa sarili ko at nahulog ang baso sa sahig. Hindi ako mapakali at kinuha ko pa ang bubog ng masugatan ako.

Agad akong tinulongan at kinuha ni Doc Van ang kamay ko. Halos sabay pa silang magsalita kung ayos at napano ako.

Tumayo kami at agad na nagpaalam siya sa kasamahan namin para gamutin ang sariwang sugat sa daliri ko.  Lumabas pa kami sa restaurant para gamutin ako, nasa kotse niya ang kit. Ayoko ring patagalin ang sugat na ito napakadelikado.

Papalabas pero nakuha pa ng tadhana ang ibunggo ulit kami ni Doc Van kay Jeau na papasok pa sana.

Kahit pa mag mask siya ay mamumukhaan ko parin si Jeau. Pinutol niya pa ang paghihingi ng tawad samin ng makita ako at umiwas nalang rin ako ayokong makita ang mga mata niya.

Ayoko, hinihila ako pabalik sa panahon noon.

"Sir excuse me." Kalmadong sabi ni Doc Van at hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko bago tuluyan na umalis papunta sa kotse niya.





JEAU P.O.V.

"Paparating na." Hindi pa naman ako gutom pero minamadali na ako papunta sa opening ng restaurant. Hindi ganon karami ang tao. Tanaw ko dito sa di kalayuan, papatuwid palang. Pero nagkakamali ako dumarami pala, sinigurado kong kunin ang mask at tinakip sa mukha ko. Muntikan pa!

YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon