Jaimie
Madaling araw na ng makarating ako sa probinsya nila Papa. Dumaan muna ako sa sentro ng bayan para bumili ng cake. Malayo layo pa ang bahay nila. Kasama ni Papa doon ang Lola ko at ang kapatid ni Papa, si Tito Ren at ang anak niya at pinsan kong si Cara. Simula nang maghiwalay si Papa at si Mama, umuwi sa probinsya si Papa. Dahil sa restraining order, bihirang bihira na lang kami magkita. Pero kahit isang beses man lang sa isang buwan, lumuluwas siya sa siyudad para puntahan ako at si Shea. Minsan sa trabaho ko at sa eskuwelahan nila Shea. Alam naman naming pareho ni Shea na walang kasalanan si Papa sa mga nangyari. Noong nagkasakit din si Shea, nagpapadala siya lagi ng pera na naipon niya galing sa pagsasaka niya. Ayaw niyang ipaalam kay Mama kaya nagsisinungaling na lang ako kay Mama na galing iyon sa mga raket ko o kaya pinahiram ng isang katrabaho.
Kahit gustong gusto namin ni Shea na magkabalikan ang mga magulang namin, alam naming malabo nang mangyari iyon. Kung hindi dahil sakin, di naman magpapakasal si Mama kay Papa. Nabuntis kasi ni Papa si Mama kaya pinilit ng mga magulang ni Mama na magpakasal sila, kahit alam ni Mama na may ibang mahal si Papa. Ang ina ani Ate Hannah. Pero kahit ganoon ang sitwasyon nila, minahal ni Papa si Mama nang lubos. Si Mama ang hindi matanggap ang nagyari sa kanya. Lagi niyang sinasabi na hindi siya mahal ni Papa. Marahil ay tama nga siya. Pero mahal naman siya ni Papa, saksi kami doon ni Shea. Pero tama si Mama sa parte na di siya kayang mahalin ni Papa gaya ng pagmamahal nito sa ina ni Ate Hannah.Iniabot ko ang bayad sa tindera. Kanina pa pala akong nakatulala sa cake. Di ko rin namalayan na resibo ng binili kong toiletries ang iniabot ko sa tindera at hindi pera. “Ay, pasensya na po---” Agad akong kumuha ng pera sa pitaka ko. “Eto po—”
“I’ll pay for it” Pareho kaming natigilan ng tindera nang sumingit sa harap ko si Raven na naka tuxedo pa at nag abot ng black card sa tindera.
“Hijo, wala ka bang limang-daan? Di kami tumatanggap ng credit card.” Napairap ako kay Raven at siniko siya. Iniabot ko ang isanglibo sa tindera. Hinarap ko si Raven habang hinihintay ang sukli.
“Anong ginagawa mo dito? At anong--- Jusko, seryoso ka ba?” Napamura ako pagtingin ko sa labas ng tindahan. Nasa sentro kami pero magubat dito at rural area talaga. Nasa palayan ngayon si Karyn at ang piloto ni Raven. Buti walang pananim ngayon sa palayan.
“I had to see you” Ibinalik ko sa kanya ang tingin ko matapos kong makuha ang sukli ko. Agad akong lumabas kasi pinagtitinginan na kami ng mga tao. Sino ba naman ang hindi magugulat sa chopper na nasa palayan at sa lalaking naka tuxedo sa isang rural area? Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Pumara ako ng tricycle. “I just got home from a party and I went here. I needed to see you, Jaimie. I miss you. And I want to apologize.”
Hindi na ako nagtanong kung paano niya nalaman na pupunta ako dito. Alam kong minessage niya si Shea.
Sumakay na ako sa tricycle. Nakatingin lang ako sa kanya. Siya naman ay palipat lipat ang tingin sa’kin at sa tricycle.
I wonder what he’ll do. For sure, hindi pa siya nakakasakay sa tricycle.
Nakatingin na din sa kanya yung tricycle driver. “Ser, sasakay ho ba kayo? Uuwi na po kasi ako. Nagmamadali ho ako.”
Raven answered. Di ko alam kung mahihiya ako, magagalit, o matatawa sa sinabi niya kay manong. “Can I borrow your tricycle? You can have the chopper. My pilot will take you home”
Nanlaki ang mata ng driver at napanganga. Lumingon sakin yung driver na para bang nagtatanong kung baliw ba ‘tong kasama ko. Di ko na napigilang di matawa.
Kinausap ko yung driver gamit ang native dialect nila Papa. Sabi niya sampung minuto lang naman ang layo ng bahay nila samin. Baliw na raw yung kasama ko.
BINABASA MO ANG
The Brotherhood
RomanceDESCRIPTION: A story set in an urban setting where five crazy rich boys are living their ridiculously perfect lives until an assassin hired to kill them enters their world. SYNOPSIS: In a world where celebrities and other influencers dominate the i...