Zhan Jaimie
Nakatayo ako sa tapat ng 'Ws grand hotel'. It's one of the fanciest hotels in the country. It's a 10-storey building consisting of 40 luxury suites. 40 lang dahil hindi naman siya pinagkakakitaang hotel. Private residence 'to ng 'Ws'. At kung may mga bisita sila from other countries, a business partner or so, dito nagsestay. A building made for their visitors.
On the penthouse, everyone knows 'The Ws Brotherhood' stays there.
Bakit ko alam? Everyone knows them.
Besides, bago ako pumunta dito, nag research naman ako tungkol sa kanila. Kahit si Raven West lang naman talaga ang pakay ko.
At syempre, nagtatrabaho ako sa Gale Telecom na pag-aari ng Walkers. Zeyn Walker is the heir of Gale Telecom. And Zeyn, is part of the W Brotherhood.
"Jaimie! Huy!" Nakita ko si Matthew na nakatayo sa may parking lot ng building. Agad naman akong pumunta doon.
"Sorry, sorry, na-late ako. May pinuntahan pa kasi ako kanina. Galit na na ba siya? Tsaka saan ako pupunta? Sa penthouse mismo? Di ba ako hihingian ng ID 'dun?"
"Wala pa si Sir Raven. Pero dapat nasa kwarto ka na niya bago siya dumating. Oh, eto--" Binigyan niya ako ng red folder na may nakagay na code, 'Appointment 9696' "Ipakita mo lang yan sa guard. Tapos yung pinto sa main lobby, may STD scanner dun."
"Edi anong gagawin ko?"
Napakamot siya sa ulo.
"Hmm, dadaan?"I checked my watch. It's 6:58 in the evening. May dala akong tupperware na may lamang adobo. Hinarang ako ng isang babae.
"Anong dala mo?" Sa unang tingin, di ko inakala na staff siya kasi nakasuot siya ng off-shoulder na floral top. Naka braid ang brown niyang buhok. Pink na pink ang lipstick niya. And she doesn't seem like a staff.
"Sino ka?" tanong ko. Nasa labas parin ako ng building. Lumapit ang babae sa'kin saka bumulong sa tenga ko, "Ako si Sky. Ang future wife ni Zyair Wyatt." Nanlaki naman ang mata ko at tiningnan siya from head to toe. Wala naman akong nabalitaan na engaged na si Zyair ah. Tsaka, parang ang bata niya para kay Zyair Wyatt. She looks like a teen.
O baka nagjojoke lang siya?
"Joke lang." Aniya.
Sabi ko nga.
Tumango na lang ako.
"So, ano yan? Para saan yan?"
Tiningnan ko ang hawak ko. "Yung tupperware ba o etong folder?"
"Pareho." Nakangiti niyang sabi. Grabe, ang cheerful ng mukha niya. Obvious naman na di siya staff pero di ko siya kayang tarayan. Ang bait masyado ng mukha niya. Tsaka, di naman pala ako marunong magtaray.
Kaya sinabi ko ang totoo. "Para to kay Raven West. May trabaho ako dito. Yung para sa next vlog nila---"
Bigla niyang kinuha yung folder. Saka ko lang napansin na dalawa ang naibigay sa'kin ni Matthew. "OMG! Ikaw ang ka One Night Stand ni Raven?! Sabi ko na may meaning yung cryptic tweet ni Zeyn tungkol sa ONS!"
"One night stand?"
Tumango siya.
Jusko, papatayin ako ng Nanay ko!
Magsasalita pa sana akong tawagin ako ng guard, "Miss! Andito na si Sir Raven!"
Nataranta ako kaya nabitawan ko yung tupperware. Natapon sa damit ko yung adobo! Waaaaaaah!
"Pasok ka na dali!" Tinulak ako ni Sky papasok sa building.
Kinuha naman agad nung guard yung tupperware.
BINABASA MO ANG
The Brotherhood
Любовные романыDESCRIPTION: A story set in an urban setting where five crazy rich boys are living their ridiculously perfect lives until an assassin hired to kill them enters their world. SYNOPSIS: In a world where celebrities and other influencers dominate the i...