Chapter 8
Zhan Jaimie
"Nino, saan tayo pupunta? Akala ko sa grand hotel tayo. Sa loft daw muna ako dumiretso eh."
Nasa backseat ako ng kotse na dinadrive ni Nino, bodyguard ng Ws. Ngayon ang first day ko as editor ng W Brotherhood eh. May vlog sila ngayon sa tuktok ng talampas daw. May grand canyon ba sa Pilipinas? Jusko, ang dami nilang alam. Anong klaseng vlog kaya? Paragliding?
Nakaka-curious. Di ko pa kasi alam lahat ng detalye. Si Nino lang nagsabi sa'kin na sa plateau daw.
"Ah, Ma'am, sa underground tunnel daw po tayo dadaan para di ka pagkaguluhan ng mga paparazzi sa main entrance."
Underground tunnel? May ganon sila?!
Tumango na lang ako. Ang dami pala talagang sikreto ng mga Ws. Grabe.
Tumingin ako sa rear view mirror ng kotse habang nagpapa-gas si Nino. Nag-retouch ako nang konti. Wala naman akong pake sa istura ko dati eh. Pero ngayon, parang required na magpaganda. Nakaka-conscious eh.
Naka-knitted rust colored turtle neck top ako, khaki square pants at flats. Nilugay ko lang din ang buhok ko kasi umalis ako sa bahay na basa pa ang buhok. Nagmamadali na ako kaya nag-mascara lang ako at lipbalm. Editor lang naman ako. Di naman ako makikita sa camera. Ayos na to.
Pagdating ko sa loft, bukas ang main door tsaka maingay na sa loob kaya pumasok na ako. Naabutan ko sa sala si Zeyn na naglalaro ng video games. Naka-white shirt siya at casual black pants. Medyo basa pa ang buhok niya. At least ready na siya.
Si Yago kumakain ng cereal sa kitchen counter. He waved at me, "Oh, Jaimie! Nag-breakfast ka na? Tara, kain."
Anong oras na, nagbebreakfast pa lang. Naka sando siya at sweatpants. Bagong gising to.
I smiled at him, "Tapos na'ko. Kain ka lang dyan. " He nodded.
Zeyn removed his headphones upon noticing my presence, "Oy Jaimie, andyan ka na pala. Upo ka muna. Tayo pa lang ang ready. Babagal kumilos ng mga tao dito eh."
I chuckled. Lalapit na sana ako sa couch sa tabi niya pero hinarang ako ni Ethan at hinalikan ako sa pisngi. "Good morning, Jaimie!"
"Uy-" I managed to smile at him pero natigilan ako nang makita siyang topless at naka towel lang. Basa ang katawan niya.. at..
"Hoy, Ethan! Asan yung tuwalya ko?!" Napalingon ako sa CR sa likod. Si Zyair yung sumisigaw. Si Ethan naman nanlaki ang mata. Sila Yago at Zeyn, tawang tawa.
"Ay, sayo pala to? Puti din kasi eh. Kala ko sa'kin."
Nakangising sagot ni Ethan. He tapped my shoulders before he went to his room."Gago!" Sigaw ni Zyair.
Pati ako natawa na din.
So, ganto pala ang routine nila everyday as a brotherhood? Grabe, nakaka-amaze yung friendship nila. I could get used to this.
Naupo na ako sa couch sa tabi ni Zeyn. Naka-focus lang siya sa nilalaro niya.
Inilibot ko ang paningin ko sa loft. Isang room lang to sa grand hotel pero kasinglaki na ng luxurious apartment. Malaki ang sala tsaka kusina, may anim din na kwarto na malalaki din. Naka-engrave sa pinto ng kwarto nila ang surname ng bawat isa. Bale circular ang rooms nila. Nasa pinakagilid yung WEST. Sunod yung WYATT, tapos isang pinto na walang surname. Sumunod dun yung WALKER, WRIGHT tsaka WALLFORD.
Siguro yung nasa gitna yung kwarto ni Erin. Andito kaya siya? Ang sabi ni Yuri, bihira lang dito matulog si Erin eh.
Asan na nga pala si Raven?
BINABASA MO ANG
The Brotherhood
Lãng mạnDESCRIPTION: A story set in an urban setting where five crazy rich boys are living their ridiculously perfect lives until an assassin hired to kill them enters their world. SYNOPSIS: In a world where celebrities and other influencers dominate the i...