Chapter 5 (Part 2)

121 11 3
                                    

Zhan Jaimie

Nakarating kami sa ospital in just 8 minutes. I was in awe. I guess I have forgotten na sports car pala ang dinadrive ni Raven. Di ko na inantay ang senyas ni Raven na pwede na akong bumaba dahil binuksan ko agad ang pinto at nagmamadaling pumunta sa ER. Habang bumabyahe kanina, tinawagan ko si Mama na ituloy na ngayon ang operasyon kasi may pera na akong pambayad. I heard Raven called me from behind, I took a short glance kasi nagmamadali ako, but then I saw his face; the concern in his eyes, his jaw clenching when I didn't slow down. Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang gilid ng noo niya na dumudugo.

"Shit!" Tumakbo ako papunta sa kanya tiningnan ang sugat niya. Hindi naman masyadong malaki ang sugat pero enough na yun para dumugo. And still, ulo yon, masyadong risky. "Sorry, nakalimutan kong-" Natigilan ako ng hawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako ng mariin. Pinunas niya ang dumi sa mukha ko na gawa ng mga nambato sa'kin kanina. Hinawakan niya ang kamay ko at may nilahad na cheke.


Oh no, not again.


"Raven, okay na. Di na kailangan." May nurse na lumapit sa amin. Agad naman na inalalayan nung nurse si Raven at akmang papaupuin na para gamutin nang magsalita ulit siya, "Take it. It's from the Walkers' Telecom company. Di ka na papasok dun." Saka niya inilayo ang tingin niya sa akin at naupo na habang ginagamot ng nurse ang sugat niya.



Nanlaki ang mata ko. I'm jobless?!

Parang gumuho ang mundo ko nang marinig yon. Napaawang ang bibig ko at tumalikod sa kanya. Paano? Bakit?!


"Jaimie!" Agad kong niyakap si Mama nang mahigpit. I started to cry hard. She just patted my back while I apologize for not being able to come home last night. "Ma, sorry kung wala din ako kanina. Pasensya na talaga." Agad niya namang hinawakan ang magkabilang braso ko at umalis sa pagkakayakap.

"Oo nga pala, tinawagan ko kanina si Katherine, yung ka-officemate mo, di ka naman daw dun natulog kagabi. Yung totoo, Zhan Jaimie, asan ka kagabi?!" Napakamot ako sa batok kasi pinagtitinginan na kami dito. Oo nga pala, sikat na pala ako. Sikat dahil na-bash.

"Ah, Ma--- kasi---"



Someone talked from behind. "She's at my place, Madam."


Pinandilatan ko ng mata si Raven. Gago, ba't umamin to?! Ano na lang sasabihin ko kay Mama?

Paglingon k okay Mama, tulala siya kay Raven. Same feels ma, same.

Pero mas OA pala ma starstruck ang gurang.



I squeezed Raven's shoulder after realizing na maraming matang nakatingin samin ngayon. I don't want this scene to go viral. "Sa loob na lang tayo mag usap, please." Pabulong kong sabi sa kanilang dalawa. Si Mama tulala parin.


He nodded but we were interrupted by Erin.



"Raven! What happened to your head?! Why are you with her? Why are you here?! What the hell happened??!" Biglang inalis ni Raven ang pagkakahawak ko sa braso niya at lumapit kay Erin to calm her down. Tinignan ni Erin ang sugat ni Raven and she looks so concerned. Pinagalitan niya si Raven at pinalo sa braso. Raven chuckled and hugged her instead.



Aray.



"Dude, you okay?" Lumapit naman si Zyair. Nasa likod si Yago at Yuri. Yuri waved at me and I waved back. She mouthed, 'You okay?' and I nodded.

"It's just a scratch, relax. Ba't ba kayo nandito?"

Erin found my eyes and glared at me. Agad naman akong umiwas ng tingin.

The BrotherhoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon