Chapter 13 (Part 2)

68 9 0
                                    

Jaimie

Pagkatapos naming makapag-settle sa cabins namin, nagpahinga kami saglit nina Clary at Yuri. Magkasama kaming tatlo sa cabin. 2 queen-sized beds naman ang nandito so tabi kami ni Yuri at dun sa kabilang kama si Clary. Gusto din sana sumama ni Sky dito samin kaso kailangan ng kasama ni Scarlet. Kaya magkasama sila nila Leo sa isang cabin. Si Yago daw kasama ni Zeyn sa katabi naming cabin. Si Ethan naman, nagrequest ng sariling cabin for emergency daw. Alam naming lahat kung anong emergency ang tinutukoy niya. One night stand emergency.

Si Zyair at si Raven for sure magkasama din sa isang cabin. Si Erin, di namin alam. Di ko pa siya nakikita simula nung umalis siya kasama ng Mommy niya dahil sa eksena kanina.

Erin is 2 years older than me. Di ko alam kung bakit big deal yun sa Mommy niya. Mayaman naman si Leo, kung yun ang iniisip nila. "Sa tingin niyo, bakit nagalit yung Mommy ni Erin nang malaman na natulog si Erin kila Leo? Eh mayaman naman si Leo."
Sabi ko.

Nakahiga ako ngayon sa kama, si Yuri nakaupo sa tabi ko habang nagcecellphone. Si Clary nakahiga rin sa kama niya.

Sumagot naman si Yuri, "Usually, ang mga plano ng mga magulang namin, ipakasal kami sa mga mayayaman din. Kaya naguguluhan din ako sa reaksyon ni Tita Belle."

"Unless, may ibang plano siya para kay Erin." Sagot ni Clary. Napatingin kami ni Yuri sa kanya. She continued, "I mean, baka may ibang lalake siyang gusto para kay Erin."

"Who, Raven?" Yuri asked. Napakagat labi naman ako.

"Eh diba sayo yun?" Napailing naman ako sa sinabi ni Clary. Ako ang tinutukoy niya. She spoke, "Tahimik lang ako pero observant ako. Alam ko ang ibig sabihin ng mga nakaw na tingin niyo ni Raven sa isa't isa, kaya wag ka ng mag-deny."

Napailing ako sa sinabi niya. Kahit anong pagdedeny ko sa ibang tao pati sa sarili ko, I know she's right. I still have feelings for Raven. Di naman nawala eh. Di ko alam kung mawawala pa.


"Speaking of Raven, hindi si Raven ang tinutukoy ko na gusto ng Mommy ni Erin para kay Erin."
Clary said.

"Edi sino?" Tanong ko.

She said, "Sino yung nag-walk out kanina noong pinapagalitan si Erin?"

Yuri chuckled, "That's Zeyn. Heir of Gale Telecom."

Tumango siya. She grinned, "Yun yong plano." She winked at us.

Yuri and I exchanged confused glances. "Pano ka nakakasiguro na si Zeyn nga?"

Clary sighed, "I told you, I am very observant."

Pareho kaming natulala ni Yuri. Binalikan ko yung time na nalason si Zeyn at inalagaan siya ni Erin. Yung Mommy ni Zeyn, gustong gusto silang dalawa. Noong nasa boutique din kami, naalala ko yung designer na nagsabi na, 'Of course, you guys are together'.

May point si Clary.

"I think you're right..." Mahinang sabi ni Yuri.

Nginitian lang kami ni Clary, as if she already knew everything about the Ws after spending 5 hours with them.







We sat in silence. Yuri and I still thinking about what Clary prophesized, when Sky opened the door, gleaming. "Hello, mga Ate! Tapos na ba kayo magchismisan? Sunod nalang kayo sa veranda. Hinihintay daw tayo dun."

Tumayo kami agad ni Clary, "Anong meron?" Tanong naming ni Clary kay Yuri na ngayon ay nag-aayos sa harap ng salamin.

"It's time to meet the Ws." She smiled.

Sanay ako na kasama ang Ws. Pero this time, lahat na ng Ws ang makakasama ko.

Nagkatinginan kami ni Clary. We both gulped.














The BrotherhoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon