Chapter 15

71 11 2
                                    

Jaimie

"Ngayon, alam na nating may kinalaman si Richard sa pagkamatay ni Hannah."

It is 5 in the morning and the rest are still asleep. Nauna akong gumising para tawagan si Ate Maia, ang best friend at sorority sister ni Ate Hannah.

"Sa tingin mo ba may alam si Raven?" Tanong ko.

"Kung ama niya ang pumatay sa Ate mo, posible na may alam din si Raven. It's for you to find out. Mas mapapadali na ang trabaho mo ngayong tuluyan ng nahulog sayo si Raven."

Napapikit ako.

Should I be really doing this?

Noong una, madali lang para sa'kin na pumayag sa pag-eespiya sa Ws pero ngayon, hindi ko na alam kung kaya ko pang ipagpatuloy to.

"I'll try, Ate Maia."

She said in a rigid voice, "Don't just try. Do it."

I hung up.

Inilagay ko sa jeans' pocket yung phone ko at lumabas sa porch ng cabin papunta sa kitchen sa great hall para magkape.

Bago ako makarating sa hall ay napansin kong may nagbukas ng pinto sa kabilang cabin. Yung separate cabin ni Ethan yon. Pero alam kong di dun natulog kagabi si Ethan kasi sinamahan niya ang lolo't lola niya sa kwarto nila.

Si Sky ang nagbukas ng pinto at agad na lumabas sa cabin. Naka denim jeans siya at leather jacket. Unusual kasi hindi yon ang normal na outfit vibe niya.

Tsaka, akala ko ba magkakasama silang tatlo nila Leo at Scarlet sa isang cabin?

Confused, I shrugged it off.

_______________________________________

Erin

I woke up with a mild headache. I checked the bedside clock and it reads 9:30 AM. Great, I overslept.

Tumayo ako at inilibot ang paningin sa cabin. This is Zeyn's cabin. How did I get here?

And my clothes... I'm not wearing my gown. I'm wearing PJs.

"Breakfast?" I jolted upon seeing Zeyn topless.

Wait, did we? Did he? No....

Napansin niya naman na naguguluhan ako sa suot ko at sa porma niya ngayon.

He spoke, "Dinala ka dito ni Zyair kagabi. Ang Mommy mo ang nagpalit ng damit mo. Tsaka..." Kinuha niya ang polo niya na naka-hang sa wall. "Kagagaling lang namin ni Raven sa gym."

I sighed and nodded.

Inilapag niya sa higaan ko yung breakfast ko. My usual breakfast: oatmeal with dried strawberries and blueberries, and a glass of non-fat milk.

"Thank you, Zeyn" Sabi ko sa kanya bago magsimulang kumain.

Tumabi siya sa'kin at nagtanong, "Si Leo?"

The BrotherhoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon