Chapter 11 (Part 1)
Zhan Jaimie
"Kilala mo ba si Giselle Sanchez?" Tanong ko sa kabilang linya.
"She was one of us. She went missing the night Hannah died. Sabi nila nag asawa na si Gigi ng foreigner na mayaman. Wala na rin kaming contact sa kanya."
"Sabi ni Erin pinagpalit ni Giselle si Zyair dun. Totoo ba yun?"
"Kilala ko si Giselle. Hindi siya ganung babae. Hindi rin ako naniniwala na nag asawa na siya. Pakiramdam ko, may koneksyon ang pagkawala niya sa pagkamatay ni Hannah."
"Nagsisinungaling si Erin?"
"Di-"
"Anong meron kay Ate Erin?"
Agad kong binaba ang phone ko nang magsalita si Sky sa likod ko.
Narinig niya kaya ang pinag-usapan namin?
"Sky, kanina ka pa ba dyan?" Inilagay ko sa bag ko yung phone. Pumasok na din ako sa loob. Nasa terrace kasi ako ng hotel na tinutuluyan namin ngayon dito sa New York. Si Sky naman, nakatayo lang din sa hallway.
"Di naman. Pinapunta lang ako dito ni Ate Yuri kasi aalis na daw tayo. Kung ready ka na daw ba"
11 AM na ngayon dito. 1PM yung appointment ng Ws. Magla-lunch daw muna kami. Inayos ko ang coat ko. "Oo naman. Tumawag lang yung kapatid ko. Nangangamusta"
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa main lobby. "Ah, si Shea?" I nodded. She continued, "Paanong nagsisinungaling si Ate Erin? Sorry, narinig ko kanina eh. Curious lang."
"Pano ba to-Um, kasi-Tinanong ko si Erin dati kung may gusto siya kay Raven, sabi niya wala raw.Tapos nakwento ko din kasi kay Shea na crush ko si Raven. Wala, chika chika lang yun" Shit, ano? Crush?!
Tsaka ano? Tinanong ko si Erin? Lakas ko naman.
Tumawa si Sky, "Halata naman na may gusto si ate Erin kay Raven eh. Yun nga lang, I doubt na magkakatuluyan sila. Di magwowork ang ganung couple. Pareho silang uptight. Malabo yun. Di nagmamatach personality nila. Pareho silang parang tigre. Walang magpapaamo sa kanila pag nag-away sila."
Oo nga naman. Di talaga sila pwede.
Pero mas lalong di kami pwede.
"Paano kung gusto din pala ni Raven si Erin?" Tanong ko. Di naman malabong magkagusto si Raven kay Erin. Close na close sila tsaka hindi naman mahirap magustuhan si Erin. She's a bachelorette. Mga ganung babae, pinipilahan.
"Posible. Pero hanggang 'gusto' lang sila, ramdam ko. Di yun aabot sa puntong magkaka-inlove'an sila. Pwedeng mahal nila ang isa't isa kasi matagal na silang magkakilala, pero not to the point na mahuhulog sila sa isa't isa. Kasi sa tagal ba naman nilang magkasama, di parin sila nahuhulog sa isa't isa? Ibig sabihin, hindi talaga sila para sa isa't isa. Ah basta, I just can't see them as a couple."
Wow. That was...
Weird.
Ewan ko ba, never pa naman ako nainlove eh.
Ang layo tuloy ng inabot ng palusot ko.
"Sinong bagay kay Erin? Si Zeyn?" I asked habang papalapit kami sa Ws. Nakaupo sila ngayon sa couch sa main lobby. Umiinom pa ata sila kaya binagalan namin ni Sky ang mga lakad namin.
Tumigil sa paglalakad si Sky at napag-isip. Siguro naman mas kapani-paniwala na ngayon yung palusot ko.
"Hmm, pwede. Mabait si Zeyn eh. Napapaamo niya naman si ate Erin, minsan. Madalas, hindi. Pero consistent ah. Matagal na daw yun may gusto kay ate Erin eh." I sighed. Sana all consistent. "Pero di ako sure. Ang hirap din kasi basahin ni ate Erin."
BINABASA MO ANG
The Brotherhood
RomanceDESCRIPTION: A story set in an urban setting where five crazy rich boys are living their ridiculously perfect lives until an assassin hired to kill them enters their world. SYNOPSIS: In a world where celebrities and other influencers dominate the i...