Chapter 4 (Part 2)

153 12 2
                                    

Zhan Jaimie

"9 PM na pala?" Napatingin din ako sa phone ko para i-check kung dalawang oras pa lang talaga ang nakakalipas. A lot has happened within 2 hours. I was suddenly in the world of elites. Me, Zhan Jaimie Murray, a low-class girl and the breadwinner of the family at the moment, kissed Raven West, 'The Raven West'.

And I am still here in their penthouse. I am wearing Erin Wyatt's red cocktail dress, Yuri Carlisle did my hair and make up and... I will be part of the W BH's next vlog.

It happened too fast. It is so overwhelming. And I'm scared.

But somehow, I made friends.

"Oo eh. Bakit, may pupuntahan ka ba?" Tanong ko kay Sky na ngayon ay panay ang tingin sa salamin. Nakasuot siya ng yellow cocktail dress at naka-bun ang brown niyang buhok. Ako naman, naka side-swept ang itim kong buhok.

"Magsasara sa dorm ng 10:30 eh. Di na ata ako makakahabol." Napa-tango ako. Oo nga pala. Kolehiyala pala si Sky. "Pwede makitulog muna sa inyo?" Aniya.

"Oo naman."

"Yay! Thank you!" Niyakap niya ako sa bewang pero agad kaming napabitaw ng tinawag kami ni Erin.

"You two, sit here." Tinuro niya yung upuan sa dulo.

Sumunod naman kami agad.

Hay nako, kinakabahan ako sa vlog na 'to. Wala man lang silang sinabi kung anong dapat gawin, anong dapat sabihin, anong dapat hindi gawin-- kinakabahan na'ko nang sobra.

"Uhh-- hello, Ate Erin? Ano palang gagawin namin ni Ate---" Tumingin siya sa'kin, "Ano nga palang pangalan mo?" Natawa rin ako. I heard the others chuckle. Ang tagal ko na pala dito, di pa nila alam ang pangalan ko.

Inilahad ko ang kamay ko kay Sky, "Zhan Jaimie Murray"

Kumunot ang noo ni Sky, "John Jamie? Ang manly naman."

"Z-H-A-N. But yeah, you pronounce it as John."

"Ba't ganon? Wala na bang ibang naisip na pangalan ang parents mo? Di pwedeng Jenny? Joanna? Jane?" Umupo si Zeyn sa tabi ko. Napalunok ako. Eto ang anak ng pinaka boss ko. Jusko.

"Ah--kasi, gusto nila magkaroon ng lalaking anak noon. Kaso, wala eh, ako yung lumabas." I chuckled subtly.

"Buti na lang ikaw ang lumabas. It would be a waste. Besides, I find your name... sexy." Ethan Wright leaned at the table and winked at me. Ethan fucking Wright winked at me!

Pero bakit 'di ako kinilig?

"Stop it, you whore." Bulyaw ni Erin kay Ethan. I heard Zeyn chuckled. "And as for you two, well, you're gonna play the game with them and... drink."

"Iinom din kami ng Tequila Ley? OH MY GOD! Pwedeng pahingi din ako ng screen captures sa video pagkatapos? Ipopost ko lang sa IG ko, hehe." Sabi ni Sky habang pinapakita ang IG feed niya.

Erin's resting bitch face didn't even flinch, "Yeah, whatever." Zeyn chuckled again. Napansin kong he keeps on staring at Erin. May something kaya siya? O may something silang dalawa?

Kung meron man, witness ako. Because as of this moment, I am part of their world.
I smiled at the thought but my smile faded when Raven West caught my eye. Palabas siya sa kwarto niya. Nakasuot siya ng black tuxedo. Actually, silang lahat.

Why does he always looks so expensive?

Agad niyang iniwas ang tingin sa'kin at ibinaling ang atensyon kay Erin na nagseset-up ng lightings.

Bagay sila.

"Huy!" Napabalikwas naman ako nang kurutin ako ni Sky sa tagiliran. "Tingnan mo yung dalawa." Tinuro niya si Yuri at Yago na nakaupo sa sofa at naghaharutan. "Ang cute nila diba?"

The BrotherhoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon