Clary
“Welcome back to Race Track Speedway! It’s another great day for racing here at the Clark International Speedway! It’s the final round in the Annual Racing Competition! Today’s race is brought to you by MagTrack. We got five cars in the track today, let’s take a look at the drivers…” Sinuot ko na ang head gear ko at umayos ng upo. Kakaalis lang din ni Zeyn at Ethan. Bago magpaalam si Ethan ay nagpahabol pa ito ng halik sa pisngi ko kasi maraming media sa paligid.
Tangina, kadiri.
Inilibot ko ang paningin ko sa labas. Nasabi ni Ethan na manonood ang mga magulang nila ngayon. Napamura ako sa sinabi niya. Oo, magaling ako. Pero natatakot parin ako. Hindi lang career ko ang nakasalalay sa round na to. Pati ang reputasyon ng Ws, madudungisan ko pag nagkataon. Lalo na si Erin at Zyair.
Huli akong pinakilala ng announcer, “And last up is Clary A in the 2021 Wyatt Presto-Lux, sponsored by Wyatt Cars.” Di ako relihiyosong tao pero napa-‘sign of the cross’ ako. Ngayon lang ako kinabahan nang ganto. Puta.
Hinanap ng mga mata ko si Zeyn. Medyo nawala ang kaba ko kanina nang kausapin niya ako. Pumunta siya dito kanina para mambuwisit pero kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko.
He made a deal with me. Pag nanalo raw ako, ililibre niya ako ng ice cream, as much ice cream I could eat, for the rest of my life. Fair deal. Kahit di niya alam na talo ko kumain ang isang construction worker. Baka akala niya pareho kami ng eating habits ni Erin. Huh, kala niya makakatipid siya sa paglibre sakin? Ulol.After a minute or so, just when the race started, I saw Erin going out of the venue.
Zeyn is with her.
With that, I started the engine.
In just five minutes, I was already leading the race. But it changed when I saw a pink-colored bunny stuffed toy on the other side of the tracks.One minute I was riding a Wyatt sportscar.
And then I crashed the car.
14 years ago…
“Paano na lang kami ni Syd pag umalis ka? Sino na ang katabi namin matulog? Sino na ang kalaro namin?”
Yakap yakap ko si Syd. Isa siyang pink na bunny na stuffed toy na tanging alaala na lamang ng mga magulang namin sa akin at sa kapatid ko nang mamatay sila. Si Syd lang ang tanging dala naming ng dalhin kami sa bahay ampunan ng kambal kong si Clarice.Walong taong gulang na kami. Tatlong taon na rin kaming namamalagi sa Sunshine’s Orphanage simula noong mailigtas kami sa baha ng mga rescuers. Nalunod sa baha ang mga magulang namin ni Clarice at kaming dalawa lamang ang nakaligtas sa baryo namin.
Halos tatlong taon na kaming umaasa na may mag-ampon sa amin. Labis na tuwa namin ni Clarice nang malaman namin na may gustong umampon sa amin. Pero biglang nagbago ang isip ng mag-asawa. Isa lang sa amin ni Clarice ang aampunin nila. At si Clarice ang napili nila.
“Clary, sorry” Humahagulgol na sa iyak ang kapatid ko. Nakaupo lang ako sa sahig dito sa kwarto naming tatlo; ako, si Clarice, at si Ate Maia. Ulila rin si Ate Maia at labing-dalawang taong gulang na siya.
Akmang hahawakan ni Clarice ang kamay ko pero tumakbo ako palabas.
Iyak ako nang iyak habang tumatakbo ako papunta sa paborito naming lugar ni Clarice. Nasa tuktok ito ng isang bundok. Kitang kita dito ang siyudad. Gabi gabi ay nandito kami ni Clarice. Ninanamnam ang tanawin sa baba ng bundok. Ang mga ilaw sa siyudad na gustong gusto naming mapuntahan.
BINABASA MO ANG
The Brotherhood
RomanceDESCRIPTION: A story set in an urban setting where five crazy rich boys are living their ridiculously perfect lives until an assassin hired to kill them enters their world. SYNOPSIS: In a world where celebrities and other influencers dominate the i...