Chapter 14 (Part 1)

58 9 0
                                    

Jaimie

Kinabukasan, maaga kaming gumising para sa preparations sa golden wedding anniversary ng lolo't lola ni Ethan. 2PM daw yung wedding. Gising na kami ng 8 AM at inaayusan na daw agad yung mga primary and secondary sponsors.

Kami naman nila Clary, Yuri, Sky, at Scarlet ay nandito sa gazebo at nagbebreakfast.

"Sumakit ulo ko kagabi sa pagpapanggap namin ni Ethan sa harap ng parents niya tsaka grandparents. Akalain niyo yun, tinanong yung buong kwento ng love story namin ni Ethan. Tong hayop naman na Ethan, sinabi na 'love at first sight' daw. Tanginang yan, kadiri."

We all laughed except from Sky na tinatakpan ang tenga ni Scarlet pag nagmumura si Clary.

"At least di ka nilalandi ni Ethan" Sabi ni Yuri.

"Anong hindi? Ang likot likot ng kamay nun pag nasa harap kami ng parents niya. Di ko naman mabugbog kasi ma-eexpose yung kasinungalingan namin." Sabi niya habang padabog na ibinaba ang tasa niya sa mesa.

"Ethan will always be Ethan" Yuri sighed.

Ibinaling ko naman ang tingin ko kila Ethan na naglalaro ng frisbee kasama sila Zyair, Raven, at Yago.

Naka unbutton ang white polo ni Zyair, si Ethan naman naka puting sando, si Yago din naka black na sando, si Raven naka topless, as usual. Madaming babaeng nakapaligid sa kanila ngayon at pinapanood ang laro nila, or rather, ang katawan nila.

Napaliyad ako ng kurutin ako ni Yuri sa tagiliran, "Balak mo bang tunawin si Raven sa mga titig mo?"

"Pfft HAHAHAHA" Sky and Clary laughed.

Umiling naman ako agad, "Di naman si Raven ang tinitingnan ko ah" Palusot ko pero parang sesemplang.

Sinamaan ako ng tingin ni Yuri at Sky. Shit, oo nga. Wala namang ibang lalake sa direksyon na tinitingnan ko kanina. Akala tuloy nila pinagpapantasyahan ko yung mga jowa nila.

"Syempre hindi si Zyair at Yago. Mga baliw."

Yuri tapped my shoulder and Sky just grinned. Clary spoke, "Sa'kin walang problema, kahit iuwi mo pa si Ethan"

Napabuntonghininga ako at umamin na lang, "Fine, si Raven nga"

They giggled but immediately stopped as if someone's behind me. Bago pa ako tuluyang makalingon sa kung sino man ang nasa likod ko, nagsalita siya.

"I'm what?" Shit.

Hinarap ko siya. Nasa harap ko ngayon si Raven. Pawis na pawis siya at nakatambad sa'kin ngayon ang half-naked body niya. Seeing his abs makes me reminisce the night we shared in New York. As much as I hate what happened after that, I can't pretend that I did not like it. I actually enjoyed every second of it.

"Uhh---" I stuttered. Tae, ba't kasi ang bilis niya makapunta dito? Kanina lang ang layo pa nila ah.

I immediately thought of an alibi, "Ikaw yung pinakamatanda sa brotherhood niyo"

Yuri and Sky gave me confused looks. Si Clary muntik nang mabilaukan kakapigil ng pagtawa.

Scarlet spoke, "But Ate Jaimie, lying is bad. Magagalit si Papa God if you lie."

Bwisit.

Di nga pala tinotolerate ni Scarlet ang pagsisinungaling.

Raven grinned as if he already knows we were talking about something cheesy which made me lie to his face, "So, what did she actually say about me, Scarlet?"

Tumingin muna sa'kin si Scarlet at nag peace sign. Tumango na lang ako habang kagat kagat ko ang labi ko. Jusko lord.

"Ate Jaimie was staring at you when you were playing frisbee"

The BrotherhoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon