Yuri
I was first introduced to the Ws when I was six years old.
Una kong nakilala si Kuya Gale, ang kapatid ni Zeyn. Nahihiya kasi ako noon na makipaglaro sa kanila kasi puro sila lalake. Di rin naman ako masyadong pinapansin ni Erin kasi nagpi-piano siya kasama ang lola niya.
"Yuri ang pangalan mo, diba? Halika, naglalaro sila oh." Nilingon ko muna si Daddy bago ako sumama kay Kuya Gale. Tumango naman siya.
Naglalaro sila sa buhangin nang madatnan namin silang lima. Napansin ko rin na nasa likod na namin ang nakatatandang kapatid ni Zyair. Si Erin.
Tiningnan niya ako simula ulo hanggang paa at nilahad ang kamay niya, "Hi! I'm Erin!" Kinuha ko naman ito agad at nakipagkamay sa kanya.
"Yuri" Nahihiya kong sagot kay Erin. Hinawakan niya ang kamay ko at akmang ipapakilala ako sa lima.
Lumapit na rin sa amin ang limang lalake.
Bago pa kami pumunta dito sa W island nila Mommy at Daddy, pinakilala na nila sa akin ang mga anak ng business partners nila.
Nakatingin lang silang lima sa akin. Walang kumikibo sa amin.
Nagtitinginan lang si Raven at si Zyair. Walang ekspresyon sa mga mukha nila. Tapos nagbubulungan sila habang nakatingin sa akin. Napalunok ako nang laway habang nakatitig sila sa akin na para bang mangangain.
Si Zeyn at si Ethan naman ay nagbubulungan din pero nakangisi sila pareho. Kumunot ang noo ko nang biglang tumawa nang malakas si Ethan habang sinusuntok si Zeyn sa tagiliran. Nagtatawanan parin silang dalawa.
Pagtingin ko kay Erin, wala na siya sa tabi ko. Kausap niya na ngayon si Raven. Ngumingiti na rin si Raven habang kausap si Erin. Mabuti naman at marunong siya ngumiti.
Naiwan akong nakatayo sa may puno ng niyog dito sa beach. Umupo na lang ako sa buhangin at nagsimulang gumawa ng sandcastle.
Nang matapos ko ang sandcastle ko, tatayo sana ako para tawagin si Mommy at ipakita sa kanya ang ginawa ko. Pero nasa harap ko na si Yago.
Kumakain siya ng popcorn at nakatingin lamang sa sandcastle ko. Amoy na amoy ko ang caramel flavor ng popcorn na kinakain niya.
Favorite ko pa naman ang caramel.
Umiling siya habang pinagmamasdan ang ginawa ko, "Ang pangit naman ng gawa mo. Parang bahay ng langgam."
Sinamaan ko siya ng tingin. Ang sama naman niya! Pinaghirapan ko pa naman yon. "Ako nga dyan" Pinausog niya ako at nagsimulang gumawa ulit ng sandcastle.
Pinagmamasdan ko lamang siya habang ginagawa niya iyon. Tumama naman sa mukha ko ang curly niyang buhok.
Hinawakan ko ang buhok niya at pinaglaruan. "Ang cute naman ng buhok mo. Parang princess."
BINABASA MO ANG
The Brotherhood
RomanceDESCRIPTION: A story set in an urban setting where five crazy rich boys are living their ridiculously perfect lives until an assassin hired to kill them enters their world. SYNOPSIS: In a world where celebrities and other influencers dominate the i...