Zhan Jaimie
Napabalikwas ako sa higaan ng makarinig ako ng ingay sa kusina. Inayos ko yung libro na binabasa ko kanina na natulugan ko pala. Tiningnan ko ang orasan, alas kwatro ng hapon.
Narinig ko ang bulyaw ni Mama sa kusina. Lumabas ako ng kwarto at habang papalapit ako sa kusina, mas lalo kong naririnig ang mga iyak ni Ate.
"Wala kang kwenta! Ang landi landi mo! Pareho kayo ng nanay mo!"
Galit na galit si Mama kay Ate kaya nagawa niya itong sampalin. Mas lalong humagulgol ng iyak si Ate. Agad naman akong lumapit kay Ate at pinigilan si Mama.
"Ma, tama na po!"
"Umalis ka dyan, Jaimie. Mahahawaan ka ng kalandian niyang babaeng yan. Kabata bata pa nagboboypren na. Manang mana sa nanay niyang hindot!"
Niyakap ko na lang si Ate habang wala siyang tigil sa pag iyak. "Ma, wala naman po kaming ginagawang masama--" Magpapaliwanag pa sana si Ate ng sabunutan siya ni Mama. Agad ko naman itong inawat.
"Sasagot ka pa! Hayop kang babae ka! Pinatira kita sa bahay ko! Pinapakain kita, tapos eto ang isusukli mo sa akin?! Wala kang utang na loob!"
"Mama, sorry po" Akmang hahawakan ni Ate ang kamay ni Mama para humingi ng patawad pero lumayo si Mama.
"Huwag mo akong matawag tawag na Mama dahil hindi kita anak! Anak ka sa labas ng magaling kong asawa!"
Niyakap ko nang mahigpit si Ate. Narinig ko naman na lumabas sa kwarto niya si Shea.
Nagsalita ako, "Ma, tama na po. Walang kasalanan si Ate--"
"Anong wala?! Dahil sa babaeng yan, nagkanda leche leche ang buhay ko. Ang pamilya natin! Kung di 'yan sumulpot dito, 'di sana ako itatakwil ng lolo't lola mo dahil nag asawa ako ng may anak sa labas! Edi sana maayos ang buhay natin ngayon at hindi tayo naghihirap! Peste yan sa buhay natin!"
"Ma..." Pinunas ko ang luha ko at nilapitan ko si Mama para pigilan. Pero biglang tumayo si Ate sa sahig at tumakbo palabas ng bahay.
And that was the last time I saw her.
Napatigil ako sa pagmumuni muni dito sa terrace ng grand suite nang makarinig ako ng katok. Natatakot ako magbukas pero wala akong ibang choice. Naliligo pa si Sky. Kaming dalawa lang naman ang nandito.
Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa'kin si Erin na nakabusangot. Naka dolphin shorts siya na black at naka knitted gray na long sleeve. Wala siyang make up pero ang gara niya parin tingnan.
"Breakfast in 10 minutes. Penthouse."
Tumango naman ako dahil nahihiya akong sagutin siya.
Expressionless ang mukha niya habang nililibot ang paningin sa kwarto namin ni Sky. Napatingin din ako sa paligid. Baka may nasira kami. Jusko, mas mahal pa to sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
The Brotherhood
RomanceDESCRIPTION: A story set in an urban setting where five crazy rich boys are living their ridiculously perfect lives until an assassin hired to kill them enters their world. SYNOPSIS: In a world where celebrities and other influencers dominate the i...