28

15 1 0
                                    

Aishy's POV

"Huy,  Aishy! Ano bang ginagawa mo dyan? Bat kailangan mong magtago? " tanong ni Bern na nakatayo sa counter at pasimpleng sinasabi ang nakikita niya mula sa counter

Nasa Twin Cup ako ngayon, actually kanina pang umaga

Pwede siyang ituring na sideline dahil binabayaran ako ng libreng food ni Aerith at Hairth kapalit ng pagtulong ko magprepare ng mga pagkain nila

Sa totoo lamang ay di ko naman dapat ginagawa ito, kaso naiilang ako kay Ysh

Kase ano...

Ano....

Hinalikan nyo ko....

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o maging reaksyon man lang dahil doon

Nasabi ko naman yung totoo kong nararamdaman pero hindi ko kasi alam kung dapat ba akong maniwala sa mga sinabi rin niya

Iniisip ko kasi na di pa katagalan simula nung nagbreak sila ni Bex at hindi naman biro ang pinagsamahan nila

Gayunpaman gustong maniwala ng puso ko

At heto ako ngayon parang tangang nakayukod sa counter at nagmamanman sa kaniya kaharap iyong babaeng nakikikinig sa music ko last time, na manager nila Wren

Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa o dapat bang malungkot sa oportunidad na bumubukas ngayon para sa kanya

May parte sa akin na gusto syang suportahan,  like sino naman kasi ang may ayaw na mareach ng kaibigan mo o kahit kakilala nga lang ang pangarap nila?

Pero may parte rin kasi na hinihiling na wag na lang niyang tanggapin yung offer

But at the end of the day, it's his decision, at wala akong magagawa doon

Sino ba naman kasi ako para pigilan sya?

"Huy! Tumayo na! Tumayo na sila! " tila natatarantang sabi ni Bern

"Weh? Aalis na ba? " paninigurado ko pa

"Oo--ay! Hala! Hala! Omg! " naghihisteryong sabi ni Bern

"Bakit?! " usisa ko naman

"Juskoday! May face off na ganap! Sila Wren mo dumating! Ayun nagsasagutan yung kasama nila Wren na lalaki at yung kasama ni Ysh na babae" salaysay ni Bern

"Ano?! " gulat kong tugon at saka napatayo

Nanlaki ang mata ko nang makitang totoo ngang nandito ngayon sila Wren pati yung kasama ni pokpokers na lalaki, na sa pagkakatanda ko ay tinawag na Chairman ni Wren nung huli kaming magkita

Pero....teka lang...

Hindi ba't ang manager nila Wren ay iyong babaeng kasama ni Ysh?
Bakit parang may mali sa nakikita ko?

Lalo pa akong naguluhan nang lagpasan lang ni Ysh at nung babae sina Wren

"Huy! Di ka ba magha-hi? " napapitlag ako sa anas na iyon ni Bern

Wala sa sariling napailing na lamang ako

Napadapo ang tingin ko sa gawi nila Wren at doon napansin na tila nakatingin din siya sa gawi ko

Biglang bumigat ang paghinga ko at may parang kung anong tumutusok sa dibdib ko

What's this?

Naitanong ko sa sarili habang nakatingin pa rin sa kanya

This is not how I suppose to feel
Si Ysh na ang gusto ko, 'di ba?

I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon